Henry nagpaalam na sa TV Patrol para makasama ang pamilya sa Canada
PORMAL nang nagpaalam last Friday evening August 30, 2024 sa regular viewers ng “TV Patrol” ng ABS-CBN ang veteran radio and TV news anchor na si Henry Omaga-Diaz at maging sa kanyang mga kasamahan sa programa na sina Kabayan Noli de Castro, Karen Davila at Bernadette Sembrano. Henry will join his family in Canada.
Naging tahanan ni Henry ang ABS-CBN sa loob ng 33 taon kung saan siya nagsimula bilang radio reporter ng DZMM bago siya napunta sa telebisyon bilang news anchor. Naging radio newscaster at commentator din siya. He anchored “Bandila,” “TV Patrol Weekend” and “TV Patrol,” ang flagship news program ng ABS-CBN. He joined ABS-CBN in 1991.
Si Henry ay nagtapos ng Journalism course sa Lyceum of the Philippines. Isinilang sa Guinobatan, Albay pero lumaki sa Maynila. It was in 1998 when he married his girlfriend na si Gigi Cabigon at sila’y nabiyayaan ng isang anak (son) and three grandchildren.
After college, nagsimulang maging news writer ng DZRV – Radio Veritas 846 si Henry at pagkatapos nito ay lumipat na siya ng DZMM ng ABS-CBN at nanatili siya sa nasabing kumpanya until his recent resignation to move to Canada.
Pinasalamatan si Henry ng ABS-CBN management laluna ng News and Current Affairs Division sa kanyang contribution, dedication at commitment sa kanyang trabaho from 1991 to 2024. Mami-miss si Henry ng kanyang mga kasamahan sa News and Current Affairs laluna sina Kabayan Noli, Karen at Bernadette ng “TV Patrol”.
Samantala, si Henry ang pangalawang Filipino broadcast journalist na nag-relocate sa Canada. Nauna rito si Rhea Santos ng GMA nung 2019.
Rhea who is married to businessman and Hotshots Burger chain owner na si Carlo de Guzman ay may dalawang anak na sina Uno at Yuan. While in Canada, nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology. Nung September 1, 2020 ay nagpatuloy siya sa kanyang career sa news industry bilang anchor sa National Philippine Edition of Omni News in Vancouver, British Columbia in Canada.
Noong siya’y nasa bakuran pa ng GMA, naging bahagi siya ng daily morning show na “Unang Hirit”. Naging bahagi rin siya ng “Reporter’s Notebook” at host ng “Tunay na Buhay” among others.
Tulad ni Henry, hindi rin naging madali kay Rhea ang iwanan ang trabaho na kinasanayan at minahal niya ng maraming taon.
Joshua at Gerald parehong masaya sa kanya-kanyang buhay
AFTER his break-up with his celebrity ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Julia Barretto, natuto na ang actor na si Joshua Garcia na maging pribado pagdating sa kanyang love life although alam ng marami that he is currently in a relationship with a non-showbiz person, ang Filipino-French athlete na si Emilienne Vigier na nung isang taon pa napabalita.
Joshua will neither confirm nor deny the current status ng kanyang love life lalupa’t pribado at wala sa showbiz ang kanyang rumored girlfriend at gusto niyang manatiling private kung anumang relasyon meron sila ngayon.
Masayang-masaya ang actor sa tagumpay ng kanyang reunion movie with his ex-girlfriend na si Julia, ang “Un/Happy for You” na pinamahalaan ni Petersen Vargas under the joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at Viva Films.
Kahit hiwalay na sina Joshua at Julia ay nanatili silang magkaibigan kaya hindi naging problema ang kanilang muling pagsasamang muli sa pelikula.
Si Joshua ay nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Direk Laurenti Dyogi habang si Julia ay lumipat na sa management ng Viva Artists Agency ng Viva Communications, Inc.
Masaya rin ang nobyo ngayon ni Julia, ang actor-entrepreneur na si Gerald Anderson sa success ng reunion movie ng nobya at ex-boyfriend nitong si Joshua.
Si Gerald ay nakatakdang simulan ang bago nitong teleserye sa bakuran ng ABS-CBN, ang action-drama series na “Nobody” na pagtatambalan nila for the first time ni Jessy Mendiola in her showbiz comeback bid.
Tulad ni Joshua, si Gerald ay isa pa rin sa mga prime talents ng Star Magic at ng ABS-CBN who stayed on kahit nawalan ng prangkisa ang dating TV giant.
Osang hindi nawawalan ng project sa ABS-CBN
DALAWA ang tumatakbong teleserye ngayon sa bakuran ng ABS-CBN ng dating Seiko Films sexy star na si Rosanna Roces who was transformed into one of the country’s finest actresses.
Parehong napapanood ang magkaibang character ni Osang (palayaw ni Rosanna) sa dalawang tumatakbong hit primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin at “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan naman ni Piolo Pascual.
Si Osang ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) na siyang nagbigay ng kanyang comeback project sa pamamagitan ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na siyang unang content ng Vivamax streaming app na nagsimula sa panahon ng pandemic. Since then ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto hindi lamang sa bakuran ng Viva kundi maging sa mga programa ng ABS-CBN.
Fans nagulat sa ending ng series ni Andrea
KAKAIBA ang naging ending ng “High Street” primetime youth-oriented drama-thriller series last Friday, August 30 dahil namatay ang pangunahing bida ng serye na si Andrea Brillantes who played the role of Sky Love Cruz matapos nitong salagin ang bala intended for Gino Acosta played by Juan Karlos Labajo. Napatay din ang characters ng lead villainess na si Tori (Dimples Romana) at anak nitong si Wesley (Harvey Bautista) habang nakulong naman ang isa pa nitong anak na si Nikki (AC Bonifacio).
Sa pagnanais ni Sky na lumabas ang katotohanan at maisalba ang kanyang inang si Tanya Cruz (Angel Aquino) at baby sister niyang si Star at maging maayos ang kanilang samahan ng kanyang mga high school friends, sarili niyang buhay ang kanyang isinuong.
Marami ring lessons ang nakuha sa “High Street” kung saan din sila nag-inject ng boy love relationship sa pagitan ng mga character nina Tim (Zaijian Jaranilla) at Poch (Miggy Jimenez) at pag-out ng character ni Kenjie Wan (Tommy Alejandrino) na engaged na noon kay Sanya Alba (Gela Atayde). Muli ring nagkabalikan at nagpakasal ang nagkahiwalay noong sina Roxanne Cristobal (Xyriel Manabat) at Archie Aguerro (Elijah Canlas) alang-alang sa kanilang anak.
Sa pagpanaw ni Sky Love Cruz, maraming broken pieces ang nabuo at maraming lessons ang natutunan. But for sure, hindi ito ang ending na gusto ng mga fans ni Andrea na gusto nilang buhay ang kanyang character na si Sky hanggang sa huli at magkaroon ng happy ending.
Through the years ay nahulma si Andrea (who is Ramona Anndrew Blythe Daguio Gorostiza in real life) sa pagiging mahusay na aktres matapos niyang maging bahagi ng top-rating ang long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” in 2010 when she was 7 years old.
First lead role ni Andrea ang “Annaliza” nung 2013 but her star finally shone in “Kadenang Ginto” nung 2018 na nasundan ng “Huwag Kang Mangamba,” “Senior High” at itong nagtapos na “High Street” na sequel ng “Senior High”.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.