Pic

Kylie umamin na sa bagong relasyon

July 22, 2024 Aster Amoyo 417 views

INILAHAD ni Kylie Padilla ang hirap na kaniyang pinagdaanan nang maghiwalay sila noon ni Aljur Abrenica. Ang aktres, inihayag din ang kanilang co-parenting set-up ng dating mister.

“I lost myself talaga. Actually, I didn’t even know I lost myself. Kasi pinaglalaban ko ‘yung kailangan maging matibay ako para sa mga anak ko,” sabi ni Kylie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nang mapag-usapan ang tungkol kay Aljur.

“But then when I look back, I was so full of anxiety. Hindi ko kilala ‘yung sarili ko. I wasn’t sure,” pagpapatuloy ni Kylie.

Ayon sa kaniya, higit pa sa galit ang kaniyang naramdaman nang pinagdadaanan noon ang kanilang paghihiwalay noong 2021.

“Rage? Yeah. Not anger. Rage. Na hindi ko alam paano ko ilalabas. And I was looking for projects where I could.”

Sinabi ni Kylie na nagsilbi niyang “therapy” ang kaniyang mga proyekto para muli niyang mahanap ang kaniyang sarili.

Sa kabila ng nangyari sa kanila, may komunikasyon pa rin sina Kylie at Aljur, at co-parenting sila sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

“Yes, we co-parent,” anang Kapuso actress. “Madalas. Like, every time na kukunin niya ‘yung mga bata, we talk.”

Isa sa mga pinag-uusapan nina Kylie at Aljur ang pagdesiplina pagdating sa kanilang mga anak.

“If may bagong ugali ‘yung mga anak namin na kailangan, tingin ko kailangan niyang sabihan or to guide them, sasabihin ko. And then same with him. Parang may napansin daw siya na, tapos ganu’n din ako. So batuhan lang kami in a way,” kuwento niya. “So we’re trying to make it as consistent as possible.”

Sa nasabing panayam, inihayag ni Kylie na may bago na siyang karelasyon na hindi taga-showbiz.

Matatandaan na inamin ni Aljur noon na nagtaksil siya sa relasyon nila ni Kylie kaya nasira ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

PBB housemate natuwa sa hamon

PBBNAGTAGUMPAY ang “Pinoy Big Brother: Gen 11” housemates sa hamon ni Kuya sa unang gabi nila sa kanyang bahay na piliin ang unang tatlo na magiging “official housemates.”

Matapos makapasok sa sikat na dilaw na bahay, inanunsiyo ni Kuya sa mga bagong housemates na 11 lang ang magiging “official housemates” sa loob ng kanyang bahay. Bilang unang task, binigyan lang ni Kuya ang housemates ng isang oras para magdesisyon kung sino ang unang tatlo na makakasama sa 11 “official housemates.”

Lingid sa kaalaman ng housemates, ang anunsiyo ay hindi totoo at layon lang nito na masubok ang kanilang paninindigan at kagustuhang manatili sa loob ng Bahay ni Kuya. Ibig sabihin, lahat sila ay housemates na.

Sa huli, ang tatlong pinili ng mga housemates ay sina Patrick, Brx at Jas. At dahil isa sa mga napili, nagawang magtagumpay ni Patrick sa unang hamon sa kanya ni Kuya na kailangan niyang maging “official housemate” para makapasok din sa PBB house ang kanyang partner na si Dingdong.

“Sobrang saya Kuya kasi isa sa task na ibinigay niyo ay maging official housemate para makasama si Dingdong… Sobrang halaga nito kasi hindi lang ito para sa akin kung hindi para sa amin ni Dingdong, nagtiwala siya sa akin, dapat magtiwala rin ako sa sarili ko na kaya ko, luckily nagawa ko para sa amin,” ani Patrick na miyembro ng LGBTQIA+.

“Dahil napagtagumpayan mo ang aking hamon para sa iyo, ibig sabihin ay matutupad ang ating kasunduan. Kung kailan ito mangyayari ay malalaman mo sa takdang panahon,” ani Kuya.

Nitong Sabado ay opisyal na nagbukas ang Bahay ni Kuya para sa bagong housemates na pasok sa “PBB Gen 11.”

Mapapanood ang “Pinoy Big Brother Gen 11” mula Lunes hangggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Tuwing Sabado at Linggo, mapapanood din ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TV5.

Miguel magiging ‘Batang Riles’ matapos ang Voltes V

Pic1MATAPOS ang kanyang iconic role bilang si Steve Armstrong sa “Voltes V: Legacy,” magbabalik-teleserye si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix bilang si Kidlat sa “Mga Batang Riles.”

Bibida rin sa upcoming drama-action series sina Kokoy De Santos bilang Kulot, Raheel Bhyria bilang Bato, Bruce Roeland bilang Matos, Antonio Vinzon bilang Dagul, at Zephanie bilang Mayumi.

Mapupunta sa juvenile center ang mga bidang lalaki matapos mapagbintangan sa isang krimen na hindi naman nila ginawa. Mapipilitan ang mga batang riles na ipagtanggol ang kanilang sarili habang hinahanap ang tunay na salarin.

Kasama rin sa serye ang mga batikang artista na sina Diana Zubiri, Desiree del Valle, Jay Manalo, at Ronnie Ricketts. Tampok din dito ang seasoned actress na si Ms. Eva Darren.

Abangan ang “Mga Batang Riles,” biyaheng GMA Prime soon

XOXO sinubukang humiwalay sa standard

BINUBUO ng mga natatangi nilang ganda at talento, inilahad ng Kapuso girl group na XOXO na sinusubukan nilang humiwalay sa standard ng mga P-pop o K-pop groups.

Tinanong ang XOXO members na sina Riel, Lyra, Dani at Mel kung ano ang “best thing” tungkol sa kanilang grupo.

“Each of us has our own strengths po, pero kapag magkasama kami, combined kaming apat, we become so much powerful,” sabi ni Dani.

“My strength, I give flavor, I give character to the group. So as you can see, iba-iba kami ng hitsura. Ako ang representation ng group na ito for all the people of color. I am here for all the plus sized, I am here for the mid sized,” sabi naman ni Riel.

“And also, we are breaking the norms or the standard of P-pop or K-pop group na kailangan very ano ka, ganito, ganiyan. So ipinapakita namin na we are here to showcase our talent, to make new people happy or inspired by our representations, different tones of voice, texture na puwedeng mag-isang group like XOXO,” pagdugtong ni Lyra.

“Ako po ang bahala sa high parts ng song. Tsaka Tito Boy ako po ‘yung gumagawa ng harmonies namin sa covers,” pagpapatuloy ni Dani.

“Ako rin, may high parts din po ako. Pero kapag paos si Dani, ako muna ang sasalo sa kaniya,” biro ni Mel. “‘Yung sa sakin naman po, medyo matinis, manipis ‘yung high naman ng boses ko.”

Bago nito, naging contestant sina Riel, Lyra, Dani at Mel ng first season ng Kapuso reality talent competition show na “The Clash” noong 2018.

Inilahad ni Riel kung paano nabago ng kanilang grupo ang kanilang mga buhay bilang mga indibiduwal.

“Lahat naman, kami ‘yung talunan sa singing contest na sinalihan namin. But because of GMA Network, binigyan nila kami ng opportunity to be in a girl group.

Akala namin doon na magtatapos ang journey namin as singers. But here we are six years after. Nandito pa rin kami,” sabi ni Riel.

“We’re not there yet, we’re not super sikat, we’re getting there. We’re working on it,” dagdag ni Riel.

Ilan sa kanilang mga single ang “XOXO,” “My Miracle” at “GLNG (Go Lang Ng Go).”

‘Abot Kamay’ nasa primetime na rin

MAPAPANOOD na rin gabi-gabi sa GTV ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap!”

Simula sa July 22, puwede nang balik-balikan ang serye sa GTV tuwing 8:00 p.m. Kaya naman, lalo pang darami ang makakanood at maaadik sa guilty pleasure ng sambayanan!

Exciting talaga ang mga susunod na eksena lalo’t nakikipagkaibigan na si Lyneth (Carmina Villarroel) kay Morgana (Pinky Amador). Friends forever na nga ba or may pinaplano lang si Lyneth?

Manatiling nakatutok sa “Abot-Kamay Na Pangarap,” Lunes hanggang Sabado tuwing 2:30 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Glenda pinuri bilang Tinang Ces

LiletTINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law.”

Umani ng 1 million views within 6 hours ang scene drop ng GMA Drama kung saan makikita ang mainit na sagutan nina Tinang Ces (Glenda Garcia) at Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa). Todo-tanggol si Tinang Ces sa kanyang anak-anakan na si Atty. Lilet Matias (Jo Berry) matapos itong pahiyain sa publiko ni Atty. Aera Simmons (Analyn Barro).

Sey ng netizens, “Galing ni Tinang Ces. Kahit hindi niya tunay na anak si Lilet, ipinaglaban niya. Magsisisi ka Lady Justice dahil sarili mong anak ang inaapi mo. Si Aera na ampon mo lang mas kinakampihan mo pa. Grabe ‘tong episode na ‘to ang ganda ng batuhan ng linya. Galing nilang umarte lahat!”

Dahil sa makabuluhang kwento ng serye, consistent ang mataas na ratings nito at positive feedback mula sa mga Kapuso! Pero marami pang dapat abangan na twists and turns kaya tutok lang sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE