Kris1

Kris muling nakipag-break kay VG Mark

November 21, 2023 Aster Amoyo 139 views

KrisNAKIPAG-BREAK na naman si Kris Aquino sa vice-governor ng Batangas na si Mark Leviste. Ang kanyang ibinibigay na dahilan ay hindi umano nito kaya ang long distance relationship. Nasa Amerika siya at patuloy na nakikipaglaban sa gamutan habang nasa Pilipinas si Mark at hinaharap ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang bise gobernador ng Batangas.

Kung tutuusin, si Mark na yata ang pinaka-supportive, maunawain at matiyagang naging kasintahan ni Kris na kahit isa siyang public servant ay hindi siya napapagod sa pagbalik-balik ng Amerika at Pilipinas para lamang makapiling ang kanyang nililiyag sa loob ng isang linggo.

Bumalik ng Pilipinas si Mark nung November 1 and a few days after ay nag-desisyon si Kris na muling makipaghiwalay sa kanya kahit hindi bumibitaw ang businessman-politician.

Sa totoo lang, mahihirapan na si Kris na makahanap ng isang katulad ni Mark na sa kabila ng kanyang kundisyon ay matiyaga itong nagpapakita ng kanyang sobrang pagmamahal at suporta sa kasintahan despite the distance.

Magsa-sampung buwan na sana ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. It was Mark who initiated to visit Kris on New Year’s day sa rented house nito in Orange County, California, USA kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby and Filipino staff. Magkasama rin sila sa birthday celebration ni Kris nung Valentine’s day. Since then, ilang beses na ring nagpabalik-balik ang businessman-politician ng Amerika at Pilipinas just to visit her girlfriend.

Ang buong akala pa naman ng marami ay magtutuluy-tuloy na ang relasyon ng dalawa at magiging masaya ang kanilang selebrasyon ng dating na Pasko at Bagong taon.

Kaarawan ni Mark on December 25, araw mismo ng Pasko at plano niya and his family na i-celebrate nila ito with Kris and her two sons in Amerika.

Matuloy pa rin kaya ito? Ipagpatuloy pa rin kaya ni Mark ang kanyang panunuyo kay Kris na muli silang magkabalikan o tuluyan na itong bibitaw sa isang relasyon na walang kasiguraduhan?

Ang pamilya ni Mark ay may sariling bahay sa Hollywood, California where he and his family usually spend the Christmas holidays.

Samantala, Mark was with Kris and her two sons nang magkakasunod na bumisita sa bahay ni Kris sina Kim Chiu, Boy Abunda and Angeline Quinto kasama ang kanyang fiancé na si Nonrev at anak na si Sylvio.

Kahit muling nakipag-break si Kris kay Mark ay suot-suot pa rin ng huli ang trinity ring na bigay sa kanya ng TV host-actress at patuloy na umaasang muli silang magkakaayos at magkakabalikan.

Yasmien buntis sa pangalawang anak

YasmienSA January 25 pa ang ika-35th birthday ng Kapuso singer-actress at StarStruck alumna na si Yasmien Kurdi pero kinu-consider niyang advance birthday gift sa kanya at sa kanyang pamilya ang kanyang pagbubuntis after eleven years matapos niyang isinilang ang una nilang anak ng husband niyang si Rey Soldevilla na si Ayesha Zara who was born on November 22, 2012 and will be celebrating her 11th birthday today.

“We’ve been keeping a little secret for awhile. #BabyNo2 this 2024! The 3rd Dragon in the family.

“#YearOfTheEarthDragon – Me (January 25, 1989) #MotherDragon

“#YearOfTheWaterDragon – #AyeshaZara (Nov. 22, 2012)

“Can’t wait to see you next year

“#MyBabyDragon#NewBlessing #Happy2024 #YearOfTheWoodDragon – 2024,” pagbabahagi ni Yasmien sa kanyang IG account.

Umaasa ang mag-asawang Yasmien at Rey na baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ng singer-actress although magiging masaya pa rin sila if it’s a girl at excited nang maging big sister ang kanilang panganay na si Ayesha.

Ang mag-asawang Yasmien at Rey got married in a simple and intimate wedding ceremony sa isang Penthouse Café ng isang condominium building kung saan gumastos lamang sila ng P20,000.

Sarah at Richard tikom ang bibig sa tsismis ng hiwalayan

RichardRichard1ANG ten-year-old na Zion Lahbati Gutierrez, panganay ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay nagsimula na sa kanyang scuba diving lessons sa Aiyanar Beach and Dive Resort in Batangas at siya’y sinamahan ng kanyang inang si Sarah.

“Incredibly proud of Zion for conqueting his first scuba dive in the open water, guided by my amazing dad as his instructor.

Celebrating milestones and making unforgettable memories,” pagbabahagi ni Sarah sa kanyang IG account.

Marami naman ang nagtaka kung bakit wala roon ang mister ni Sarah na si Richard considering na isa umano itong milestone ng kanilang panganay na si Zion.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng mag-asawang Richard at Sarah maging ang pamilya ni Richard sa napapabalitang hiwalay na umano ang dalawa na may dalawang anak na parehong lalake, sina Zion at Kai.

Si Richard ay nagmula sa katatapos pa lamang na hit action-drama primetime series na “Iron Heart” ng ABS-CBN habang si Sarah na nasa pangangalaga ng Viva has yet to start a new project.

Sarah at Matteo muling nagbakasyon sa Italy, baka makabuo na

SarahSarah1MULING bumalik sa Italy, ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo for a brief vacation at umaasa ang kanilang mga supporters na “Made in Italy” ang kanilang magiging unang baby.

Handang-handa na umano ang celebrity couple sa next phase ng kanilang buhay mag-asawa, ang magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya at ito’y nasa wish list nila.

Matteo and Sarah have long been in a relationship and sealed it nang magpakasal ang dalawa sa isang sikreto and intimate Christian wedding nung February 20, 2020. The couple will be celebrating their 4th wedding anniversary in two months time on February 20, 2024 at umaasa ang mag-asawa na sila’y mabibiyayaan na ng baby sa susunod na taon.

Napag-alaman namin na okey na ang relasyon ni Sarah sa kanyang ina na si Divine Geronimo pero hindi pa umano okey ang magbiyenang Divine at Matteo.

Namayapang anak ni Pip ‘kasama’ pa rin nila araw-araw

TirzoTirzo1NAKATUTUWA ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti-Cruz dahil kahit limang taon nang namayapa ang kanilang panganay na anak na si TJ Cruz ay araw-araw pa rin nila ito naaalaala at binibigyan ng oras sa kanilang pang-araw araw na gawain as if he is still alive.

“Walang nabago,” ani Pip na siyang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines.

“Ang nabago lamang ay hindi na namin siya kasama ng physical at hindi na rin siya sumasagot sa aming araw-araw na mensahe at pagbati sa kanya,” patuloy pa niya.

“Pero ang pagmamahal at pagaalaala namin sa kanya ay hindi nawala at nagbago kahit hindi na namin siya kapiling.”

Bukod sa namayapang anak na si TJ, ang mag-asawang Pip at Lyn ay meron pa ring dalawang anak na sina Bodie at Djanin. Si Bodie ay isa nang pastor habang si Djanin ay nagta-trabaho sa tanggapan ng kanyang ama as chief of staff.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE