Kris4

Kris, may touching message sa pamilya, mga kaibigan at fans sa socmed

February 15, 2024 Vinia Vivar 86 views

Pagkatapos ng exclusive live interview via Zoom ni Boy Abunda kay Kris Aquino last Wednesday sa programa niya sa GMA ay itinuloy pa ng huli ang kanyang mga nais sabihin sa Instagram.

Knowing her, ang 20-minute show ni Kuya Boy ay kulang na kulang talaga sa kanya.

Sinimulan ni Kris ang pahayag sa pagpapasalamat sa King of Talk at sa GMA Network at sa pagso-sorry sa inaanak niya sa kasal na si Dingdong Dantes.

Sa interview niya kasi kay Kuya Boy ay nasabi niyang si Dingdong Avanzado ang dumalaw sa kanya sa US at hindi si Dingdong Dantes kaya ikinorek ito ni Kris.

“Boy & @gmanetwork THANK YOU for allowing me to spend my birthday with you. My BP was going haywire before i went live, that’s why i said Avanzado instead of DANTES — i’m sorry @dongdantes,” Kris said.

Kasunod nito ay ipinaliwanag niya kung gaano kaseryoso ang bago niyang sakit na cardiomyopathy kaya humihiling siya ng dasal.

“Yes, because of Churg Strauss i now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately, please pray with me — sana hindi tuluyang sumuko or mag CARDIAC ARREST.

“Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me. I have always believed in sharing the TRUTH no matter how painful with all of you. Why? Because sinamahan nyo ako sa laban. Sana wag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal ng buo ang tiwala sa Kanya,” she said.

Na-touch kami sa sumunod na pahayag ng celebrity mom dahil tila nagbigay na siya ng ‘farewell message’ sa kanyang dalawang anak, kapatid, kaanak at mga kaibigan.

“Just in case this is the last birthday i get to celebrate here on earth, THANK YOU kuya & bimb for the most precious privilege of being chosen to be your mom. THANK YOU to my sisters for their love & generosity. THANK YOU to my small but very close circle of cousins & friends who have shared my life and their lives with me. THANK YOU to all of you for making all my childhood dreams come true,” she said.

“Pa birthday n’yo na please — i have a few loved ones and dear friends battling very difficult illnesses as well. PLEASE PRAY FOR THEM, too,” hiling pa ni Kris.

Nakiusap din siya na ipagdasal siya na mabigyan pa ng kaunting extension para mabuhay.

“I still want to live, i know the odds are against me — dahil ang puso hindi pwedeng diktahan pero sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension. YOU HAVE MY LOVE & ETERNAL GRATITUDE. Happy Valentine’s Day. (year of the pig’s lucky & healing colors for 2024),” pagtatapos ni Tetay.

AUTHOR PROFILE