Kris Bernal Larawan mula sa IG/@krisbernal

Kris Bernal sa breastfeeding: ‘It’s not easy, napagod ako’

October 14, 2023 People's Tonight 234 views

NAGBAHAGI ng kanyang karanasan ang celebrity mom na si Kris Bernal patungkol sa kanyang motherhood journey partikular sa pagbe-breastfeed.

Sa kanyang Instagram stories nitong Biyernes, Oktubre 13, nagkuwento ang aktres sa video na kanyang ibinahagi. Buong araw niya raw bine-breastfeed ang baby girl niyang si Hailee.

“Ngayong araw na ‘to parang buong araw nagla-latching sa’kin si baby. Empty na empty na ‘yung breast ko. Tsaka ubos na ubos ako ng energy. Ngayon lang ako nakahiga sa bed. Unli latch talaga siya,” pahayag ni Kris.

“Napagod ako. Pero mahaba pa ang gabi, mahaba pa ang araw. Grabe,” dagdag pa ng celebrity mom.

Saad pa niya sa caption na challenging man daw ang breastfeeding ay worth it ito para sa ikabubuti ng kanyang anak.

“The challenges of breastfeeding. I do it because it’s worth it, just thinking about the many benefits of breastfeeding for my baby, it’s worth fighting for, it’s worth the sacrifices,” wika ni Kris.

“But, I’ll be honest, it’s not easy for every mama. Period,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE