Kris

Kris alarming ang Instagram pictures

July 2, 2022 Aster Amoyo 497 views

Kris1

WE need to pray for Kris Aquino dahil sa pinagdadaanan nito ngayon na may kinalaman sa kanyang health lalupa’t magkakasunod silang nagka-Covid ng kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Narito ang isa sa mga post ni Kris on her Instagram account last June 29.

“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what I felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang totoo.

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers – I am forever #grateful.

“Promise, pag may good news ako, after thanking God; telling my sisters & my trusted friends – you’ll see a post from me. In God’s perfect timing….(3 heart emojis).”

Bago ang kanyang June 29 post, earlier ay may hiwalay ding post ang tinaguriang Queen of All Media.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Nino Davino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health.

“I’ll miss you – my friends and followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.

“So many people to thank but I choose to do that privately.#grateful

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.

“Kahit 17 hours away na kami nila Kuya Josh & Bimb to fly to the Pacific Ocean separates the Philippines from the US, I’d still like to end this with#lovelovelove (3 heart emojis).”

Medyo alarming ang hitsura ngayon ni Kris kung pagbabasehan ang kanyang mga latest pictures which she posted on her IG.

Arjo

Mga nanalong politicians from showbiz nagtatrabaho na

MARAMING newbie politicians from showbiz ang nanumpa na sa kanilang bagong tungkulin tulad ng actor na si Arjo Atayde, ang bagong kinatawan ng unang distrito ng Quezon City.

Nag-uumpisa na rin sila sa kanilang ibang trabaho.

Ang dating action superstar na si Robin Padilla ang nanguna sa listahan ng mga bago at datihang senador. Ang ex-PBB housemate big winner-turned actor na si Ejay Falcon ang bagong vice-governor ng Oriental, Mindoro at kababayan niya sa Pola, Oriental Mindoro ang actress-turned mayor ng nasabing lugar na si Ina Alegre (Jennifer Mindanao-Cruz).

Ang young actor-entrepreneur na si Nash Aguas (23) ay bagong miyembro ng City Council ng Cavite gayundin ang aktres na si Angelu de Leon bilang bagong konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig.

Kung maraming taga-showbiz ang nakalusot sa nakaraang halalan, marami rin sa kanila ang hindi pinalad tulad ni dating senador Manny Pacquiao na kumandidato sa pagka-Presidente, former Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo sa pagka-Presidente, Senate President Tito Sotto na tumakbo sa pagka-Vice President, ang mister ni Sharon Cuneta na si dating Sen. Kiko Pangilinan na kumandidato rin sa pagka-VP, Mon del Rosario sa pagka-senador, former Quezon City mayor na si Herbert Bautista sa pagka-senador, Claudine Barretto sa pagka-konsehal ng Olongapo City, Bobby Andrews sa pagka-konsehal ng isang distrito ng Quezon City, E.R. Ejercito bilang mayor ng Calamba, Laguna at marami pang iba.

Hindi rin pinalad ang actor-comedian at politician na si Roderick Paulate bilang konsehal sa isang distrito ng Quezon City. Sumubok din sa pagiging konsehal sa isang distrito ng QC ang singer-actress at dating beauty queen na si Ali Forbes pero hindi rin ito pinalad.

Marami ring dating pulitiko ang masuwerteng nakabalik tulad ng magkapatid na Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na nagpalit lamang ng puwesto – si Goma (Richard) bilang kinatawan ng ika-4 na distrito ng Leyte habang ang misis niyang si Lucy Torres-Gomez ang bagong mayor ng Ormoc City. Nanatiling vice-mayor ng Quezon City ang kaisa-isang anak na lalake ng mag-asawang former Senate President Tito Sotto at veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto na si VM Gian Sotto . Ang kanyang pinsan na si Vico Sotto ay mayor ng Pasig sa ikalawang termino.

Ang dating Manila councilor and representative sa ikatlong distrito ng Manila na si Yul Servo ang bagong VM ngayon ng Maynila. Nakabalik rin sa pagiging konsehal ang actress-politician na si Aiko Melendez sa 5th district ng Quezon City.

Nagpalitan lamang sa puwesto sa Bacoor, Cavite sina Lani Mercado, brother ni Sen. Bong Revilla na si Strike Revilla at sister na si Rowena Bautista-Mendoza maging ang dalawang anak nina Sen. Bong Revilla at Lani na sina Jolo at Bryan.

Mula Kongreso ay si Strike ngayon ang bagong mayor ng Bacoor at nagpalitan lamang sila ng puwesto ni Lani na siya ngayong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite at sa 1st district naman ang anak na si Jolo na dating vice-governor ng Cavite. Ang panganay naman nitong kapatid na si Bryan ay 1st nominee ng Agimat Partylist habang ang nakababatang kapatid ni Sen. Bong na si Rowena ang bagong vice-mayor ng Bacoor mula sa pagiging konsehal.

And there are more….

ConeyVico

Coney tuwang-tuwa kay Tali

SAMANTALA, sa oath-taking ni Pasig Mayor Vico Sotto para sa kanyang ikalawang termino, present ang kanyang parents, ang veteran actress na si Coney Reyes maging ang kanyang ama, ang singer-songwriter, TV host-comedian and producer na si Vic Sotto na kasama ang second wife na si Pauleen Luna-Sotto at ang kanilang almost five-year-old daughter na si Tali.

Tuwang-tuwa si Coney kay Tali.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE