
Korina Sanchez pinahulaan sa netizens ‘new language’ ni Peoe
KINAALIWAN ng beteranang broadcaster na si Korina Sanchez ang “new language” na natutunan umano ng anak na si Pepe.
Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 7, ibinahagi ni Korina ang video ni Pepe habang nasa loob ng sasakyan at may binibitawangmga salitang hindi mawari ang kahulugan.
Maririnig ang boses ng broadcaster sa video na tinatanong si Pepe kung anong lengguwahe ang kanyang ginagamit. Sagot naman ng anak ay Spanish daw iyon.
Saad naman ni Korina sa video ay, “It sounds Chinese.”
Sa caption ng kanyang post, tinanong naman ng broadcaster ang kanyang followers patungkol sa “new language” ng anak.
“Pepe has learned a new language! Can you tell what it is?,” pahayag ni Korina sa caption ng post.
Nagbigay naman ng mga komento ang netizens ukol sa video na ito ng anak ni Korina.
“Ipakinig mo sa Chinese speaking baka ma-translate.” komento ng isang netizen.
“Chinese nga—From another dimension,” sagod ni Korina sa komento.
“Puro kalokohan talaga si Pepe.”
“Sounds greek to me. But you just have to love his confidence.”
“Abahhh! Linguistuc si Pepe!”
“May sariling language. Kakatuwa Naman.”