Default Thumbnail

Konsehala ng Balanga namatay

November 13, 2023 Christian D. Supnad 228 views

BALANGA CITY, Bataan–Nagluluksa ang syudad na ito dahil sa pagkamatay ng isa nilang konsehala.

Sinabi ni Mayor Francis Garcia na sa “sandaling ito ng matinding kalungkutan, ipinaaabot ng pamahalaang lungsod ng Balanga ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naiwan ni Konsehala Ma. Liza Vasquez.”

Masipag na namuno si Vasquez ng Committee on Women, Children, Family, Senior Citizen, persons with disabilities (PWD) and Social Welfare at Committee on Cooperatives (KABALIKAT Coordinator), ayon kay Mayor Garcia.

“Konsehala Liza, sa inyong paglisan, aalalahanin namin ang lahat ng pagmamahal, pag-aalaga at pagmamalasakit na inyong ipinamalas sa ating komunidad.

Ang inyong dedikasyon sa Komite na inyong pinamumunuan ay nagbigay inspirasyon sa marami, nagtuturo ng halaga ng pagkakaisa at pagkalinga,” sabi ni Mayor Garcia.

“Ang mga alaala ng inyong masiglang paglilingkod, hinahangad namin ang inyong mapayapang paglalakbay sa kabilang buhay kasama ng ating Poong Maykapal.

Maraming, maraming salamat po sa inyong serbisyo sa ating mga kapwa Balangueño,” pahayag nina Mayor Garcia at Vice-Mayor Vianca Lita Gozon.