Rubio

Koleksyon ng BOC noong Enero lumagpas sa target

February 6, 2024 People's Tonight 317 views

LUMAGPAS sa target ang nakolekta noong Enero ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Bagay sa preliminary report ng BOC, nakakolekta ito ng P73.329 bilyon sa unang buwan ng taon. Ito ay lagpas ng 2.16 porsyento o P1.550 bilyon sa itinakdang target na P71.779 bilyon.

Ang koleksyon noong Enero 2024 ay mas mataas ng P2.738 bilyon o 3.88 porsyento kumpara sa target nito noong Enero 2023.

Ang pagtaas ng koleksyon ng Bureau ay iniuugnay sa mas magandang sistema nito sa pagtukoy ng halaga ng imported na produkto at pinaigting na border protection.

“The BOC is geared up for intensified efforts in 2024. We are committed to working twice as hard to ensure that we not only meet but exceed our year-end revenue target,” sabi ni Commissioner Rubio.

Kumpiyansa ang BOC na magpapatuloy ang magandang koleksyon ng ahensya sa nalalabing bahagi ng taon.

AUTHOR PROFILE