
Kim proposal na lang ni Xian ang hinihintay
2015 nang huling magtambal sa pelikula ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa pelikulang “All You Need is Pag-ibig” at “Must Date the Playboy” at last team-up naman nila sa isang TV series nung isang taon sa pamamagian ng “Love Thy Woman”.
After seven years of not doing any films dahil bukod sa nasa magkaiba na silang management ngayon, natigil din ang lahat nang dahil pandemya.
Pero tiyak na masaya ngayon ang KimXi fans dahil muling nagsama sina Kim at Xian sa isang romance -drama movie, ang Philippine adaptation ng K-movie na “Always” na ipinalabas nung October 20, 2011. Ang local remake ay dinirek ni Dado Lumibao under Viva Films at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong September 28, 2022.
Napanood namin ang full trailer ng movie sa big screen at gandang- ganda kami sa pagkakagawa nito maging ang movie poster.
Thankful ang magkasintahang Kim at Xian dahil ipapalabas ang kanilang reunion movie sa mga sinehan, isang magandang indikasyon na unti-unti na ring nagsisibalikan sa panonood sa big screen ang mga tao.
Bukod sa sobrang nasabik sa dalawa ang kanilang fans, kakaiba rin ang pakiramdam at excitement ng longtime sweethearts laluna ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Sina Kim (32) at Xian (33) ay nasa magkahiwalay na pangangalaga ngayon ng Star Magic (Kim) at Viva Artists Agency (Xian) pero sa kabila nito ay possible pa rin silang magsama hindi lamang sa pelikula kundi maging sa TV series dahil wala namang exclusive network contract ang singer-actor na isa na ring director at producer ngayon.
Papel ng isang blind girl ang ginampanan ni Kim sa “Always” kung kanino na-in love ang character ni Xian na may masalimuot na nakaraan.
Sa ganda ng kuwento at pagkakagawa ni Direk Dado ng local adaptation ng “Always,” tiyak na ito’y tatangkilikin ng mga manonood bukod pa siyempre na sabik ang mga manonood na muling mapanood sa big screen ang magkasintahan at screen loveteam.
Samantala, nasa tamang edad na rin sina Kim at Xian para bumuo ng sariling pamilya kaya matiyagang naghihintay ang kanilang mga fans sa magiging proposal ng singer-actor sa kanyang kasintahan, ang kauna-unahang teen Big Winner ng Pinoy Big Brother (Teen Edition)-turned singer, actress, dancer at host.
Angelica may IG post para sa mga kaibigan
BUKOD kina Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo at iba pa, ang dalawa pang celebrities na super close sa Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ay sina Kim Chiu at Bela Padilla na sa London na naka-base.
Most recently ay nag-reunion ang magkakaibigang Angelica, Kim at Bela who is currently in town kasama ang partner ni Angelica, ang Australian businessman (na naka-base sa Subic) na si Gregg Homan.
The Kapamilya actress is about to give birth anyday sa magiging first baby (girl) nila ng kanyang partner na si Gregg kaya tuwang-tuwa sina Kim at Bela dahil matutupad na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ng kanilang kaibigan na maging isang ganap na ina.
“Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko,” post ni Angelica sa kanyang IG account.
Sa pagkakaalam namin ay kabuwanan na this month ng Fil-American actress na isa na ring vlogger.
Hindi man showbiz si Gregg, magaan nitong nakagaanan ng loob ang mga showbiz friends ng aktres, bagay na ikinatutuwa ni Angelica.
Ang management company ni Angelica, ang Star Magic ang nag-mount ng baby shower para sa actress bagay na ikinatuwa at pinasalamatan ng mag-partner na Angelica at Gregg at doon na laman na baby girl ang kanilang magiging unang supling.
Tiyak ding excited ang biological father ng aktres, ang retired American US Navy na si Mark David Carlson na naka-base sa Los Angeles, California, USA dahil magkakaroon na ito ng apo kay Angelica.
It was only in 2010 when Angelica got reunited with her biological father na hindi na siya hinanap sa pag-aakalang namatay sila ng kanyang ina sa isang vehicular accident.
Ang Filipina biological mother ni Angelika ay sumakabilang-buhay nung 2008 in Singapore kung saan din siya inilibing.
Sarah at Matteo enjoy pa rin sa pagiging couple after 9 years
KUNG isasama ang kanilang pagiging magkasintahan, siyam na taon na ang relasyon ng mag-asawa na ngayong sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ikinasal sa isang intimate secret Christian wedding rites nung February 20, 2020 na naging controversial at pinalagan ng ina ng Pop Superstar na si Gng. Divine Geronimo, who, up to this time ay hindi pa rin aprubado sa union ng kanyang anak sa Fil-Italian singer, actor, entrepreneur at triathlete na si Matteo.
Last Friday, September 16, Sarah and Matteo celebrated their 9th anniversary bilang couple.
Umaasa naman ang mga fans ng mag-asawa na sana’y mabiyayaan na sila ng anak.
Kapag may anak na sina Sarah at Matteo, tiyak daw na lalambot ang puso ng ina ni Sarah na si Mommy Divine kapag ito’y nagkaroon na ng apo.
Sa ngayon ay ini-enjoy muna ng mag-asawang Sarah at Matteo ang kanilang buhay as a couple habang wala pa silang anak.
Looking forward naman ang kanilang mga fans na sana’y magkasama ang dalawa sa isang movie project o maging sa concert scene.
Michelle nagbabalik-showbiz
NATATANDAAN ba ninyo ang dating-beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana? Michelle was crowned Miss Asia Pacific in 1993 at naging leading lady ng
yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. sa pelikulang “Hindi Pa Tapos ang Laban” in 1994 which signals her entry sa showbiz. Since then ay nagtuluy-tuloy na ang paggawa ni Michelle ng pelikula tulad ng “Segurista” in 1996, “Walang iibigin Pang Iba,” “Mauna Ka…Susunod Ako,” “Estranghero,” at iba pa. Pero umalis siya ng bansa in 1998, got married to her first husband na si Christoph Heinermann in 2001 and had two kids.
After being based in Germany for four years ay nag-relocate sila sa South Africa. Michelle took her masters in European Literature in 2010 sa University of Witwatersrand in South Africa.
When she got divorced sa kanyang first husband, muling nag-asawa ang dating beauty queen-actress sa British-South African businessman na si Edward Burke in 2014 kung kanino siya may isang anak. She also took her two children sa kanyang unang husband.
After over two decades of being away sa Philippine showbiz, Michelle is back sa pamamagitan ng upcoming afternoon TV series ng GMA, ang “Nakarehas na Puso” kung saan niya kabituin si Jean Garcia along with Leandro Baldemor, Vaness del Moral, EA Guzman at iba pa. Ang nasabing bagong serye ay matutunghayan simula sa Septesmber 26 sa ganap na ika-4:15 ng hapon.
Hindi pa malinaw kung for good na ang pagbabalik-showbiz ni Michelle who admits na talagang na-miss niya ang kanyang acting career sa Pilipinas.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.