Kim

Kim, natakot sa reaksyon ng fans sa isyu ng Bea portrait

December 13, 2021 Vinia Vivar 791 views

BeaMatapos sumikat ang famous line ni Kim Chiu ngayong pandemic na “bawal lumabas” at naging kanta pa nga, ngayon ay pelikula na rin ito although medyo iniba lang nang konti ang title.

Bida si Kim sa isang episode ng horror trilogy film na Huwag Kang Lalabas, an official entry the Metro Manila Film Festival 2021.

Siyempre ay masaya ang aktres lalo pa nga’t napasok sa MMFF ang pelikula.

Sey nga niya sa press preview/presscon held last Sunday, nang ginawa niya ang movie ay hindi nila alam kung maipalalabas ito sa mga sinehan.

“Ginawa ko ‘to dahil nami-miss ko po ang umarte. Parang ang tagal-tagal na po kasi. And then, in-offer po sa akin itong movie na ‘to, and then, ‘yun nga, horror, another challenging movie for me dahil nga matatakutin po ako.

“So, ‘yun, tineyk ko po ‘yung challenge without knowing na babalik na po pala ‘yung cinemas,” sey ni Kim.

“Ang sarap po ng pakiramdam na sa pagbabalik ng sinehan, kasama po kami sa mga napili ng Metro Manila Filmfest,” dagdag pa niya.

Dahil nga ngayon lang nakita ng press si Kim after a long while, maraming issues ang naitanong sa aktres na nabigyan niya naman ng linaw.

Isa na nga rito ay ang nag-viral na video niya kamakailan kung saan ay makikitang tinatanggal ang portrait ni Bea Alonzo sa ABS-CBN Hallway of Fame.

Bagama’t hindi naman niya binanggit ang pangalan ni Bea at hindi rin naman nakita ang mukha nito, marami ang nagpalagay na larawan ng aktres ang tinanggal.

Makikita rin sa video na nagtatawanan sila ni Amy Perez kaya naman na-bash-bash na naman si Kim dahil dito.

Ayon kay Kim ay wala naman siyang intensyon na kung anuman sa insidenteng iyon.

Nagkakatuwaan lang daw sila ni Amy at wala naman siyang binanggit na name.

“Katuwaan lang kasi namin talaga ‘yun ni T’yang Amy, kasi kinakabahan talaga kami sa Magpasikat, like super talaga ‘yung mga linggong ‘yun. Hindi namin maipaliwanag, kasi hindi aaprubahan ‘yung apoy (performance) namin,” simulang paliwanag ni Kim.

Nagkataon naman daw na nakita nilang nagkakatanggalan ng portrait sa hallway.

“Tapos, sabi namin kay Kuya (staff), ‘sino ‘yan? Sino diyan?’ Eh, hindi sinasabi kung sino,” aniya.

Natakot nga raw siya sa reaksyon ng mga tao at kung anu-ano na ang sinabi sa kanya. Pero naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan ng fans.

Bida si Kim sa last episode ng Huwag Kang Lalabas na may titulong Hotel. Kasama niya rito sina Jameson Blake, Tina Paner, Brenda Mage, Donna Carriaga, Rico Barrera at Allan Paule.

First episode naman ang Kumbento starring Beauty Gonzalez in her first horror film with Elizabeth Oropesa.

Second episode naman ang Bahay na pinangungunahan nina Aiko Melendez, James Blanco at Joaquin Domagoso.

Mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr, ang Huwag Kang Lalabas ay hatid ng Obra Cinema. Showing ito sa Christmas Day, Dec. 25.

AUTHOR PROFILE