Kim

Kim dinalaw si Kris sa Amerika

October 19, 2023 Aster Amoyo 136 views

Kim1Kim2DAHIL sa 12-day suspension ng MTRCB sa noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” na nagsimula last Saturday at magtatapos ngayong October 27, nagkaroon ng `vacation break’ ang bumubuo ng programa na pinangungunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis. Ang ilan sa kanila ay nag-out of town habang ang iba ay out-of-the-country at kasama na rito si Kim Chiu who flew to the U.S. at nagkaroon siya ng pagkakataon madalaw ang kanyang itinuturing na ate, ang Queen of All Media na si Kris Aquino na mahigit nang isang taong nasa Amerika for treatment sa kanyang sakit na may kinalaman sa kanyang autoimmune system.

May kinalaman ang boyfriend ngayon ni Kris, ang vice-governor ng Batangas na si Mark Leviste kung bakit naging posible ang hindi inaasahang pagbisita ni Kim sa temporary house ni Kris in Los Angeles, California, USA.

Si Kris ay malapit kay Kim kaya na-excite siya nang muli silang magkita ng kanyang Ate Kris and the surprise visit was documented by Mark na siyang kumuha ng video sa muling pagkikita ng dalawa.

Natuwa rin ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby sa ginawang pagdalaw ni Kim sa kanilang ina.

Breakup nina Kris at VG Mark hindi kapani-paniwala

KrisKris1SAMANTALA, sa kabila ng pronouncement ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account last October 2 na wala na umano sila ni VG Mark (or Marc) Leviste, marami ang hindi naniwala. Ang alam lamang nila ay nagtampo at nagalit umano ni Kris nang i-post ni Mark sa kanyang social media account ang isang picture kung saan niya nakasama sa isang okasyon ang dalawang lalaking na-ugnay kay Kris noon, sina Phillip Salvador (na siyang ama ni Joshua) at si Sen. Robin Padilla. In fairness naman kay VG Mark, wala naman umano siyang intention na saktan ang damdamin ni Kris, nagkataoon lamang na nagkasama silang tatlo nina Ipe at Robin sa isang okasyon at sila’y magkakaibigan.

Nauunawaan ni VG Mark ang pagiging sensitive ni Kris dahil sa sakit nito kaya mas magiging maingat na umano siya next time.

In our recent interview with VG Mark sa aming YouTube channel, ang “TikTALK with Aster Amoyo” ay nag-propess ang young politician ng kanyang tapat na pagmamahalan sa bunsong anak ng yumaong dating Pangulo na si Cory Cojuangco-Aquino at dating senador na si Ninoy Aquino.

May naging papel din umano ang bunsong anak ni Kris (sa kanyang ex-husband na si James Yap) na si Bimby sa muling pagkakabati nina Kris at VG Mark.

During our interview with VG Mark, inamin nito sa amin na regular umano ang kanilang communication ni Kris kahit nung panahong nag-deklara ang TV host-actress na wala na umano silang komunikasyon at wala na rin sila.

Kung pagbabasehan din namin ang magagandang comments ng netizens, gusto nilang mag-work out ang relasyon ng dalawa dahil mas kailangan umano ngayon ni Kris ng taong magmamahal sa kanya ng tapat at karamay sa kanyang pinagdadaanan na may kinalaman sa kanyang health condition.

Grabe rin ang sakripisyong ginagawa ni VG Mark para lamang patunayan ang tapat niyang pagtatangi kay Kris sa kabila ng distance at ng kanyang sinumpaang tungkulin bilang bise gobernador ng Batangas.

Ngayong maayos na naman ang relasyon nina Kris at VG Mark ay masayang babalik ang businessman at politician ngayong Biyernes, October 20 para maharap naman niya ang kanyang tungkulin sa Batangas.

Umaasa rin ang mga supporters ni Kris na sana’y si VG Mark na nga ang makakasama ni Kris sa mahabang panahon.

Ang maganda pa sa relasyon ng dalawa, magkakasundo ang mga anak nina Kris at VG Mark. Kung si Kris ay may Joshua at Bimby, tatlo naman ang anak ni VG Mark sa kanyang ex-wife of ten years na si Ann na sina Ronin, Arielle at C2 (Conrad II). Ang panganay na si Ronin ay nahalal na vice-mayor ng Lian, Batangas habang ang middle child and only girl na si Arielle ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa America at involved ngayon sa mga NGO projects habang ang bunsong si C2 ay nag-aaral pa sa La Salle – Greenhills.

Ang pamilya ni Mark ay may sariling bahay sa Los Angeles, California where they spend the Christmas Holidays.

Kung magkasama sina Kris at VG Mark nung 52nd birthday ni Kris last February 14, tiyak na magkasama rin ang dalawa on Christmas Day, December 25 na siyang ika-46th birthday ng politician-businessman.

Parehong significant ang respective birthdays ng dalawa. Ang kaarawan ni Kris ay sa araw ng mga puso (February 14) habang si VG Mark naman ay sa araw ng Pasko, December 25.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” ang “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE