Kilalang personalidad muntik mamatay sa kalasingan sa Amerika

February 23, 2025 Aster Amoyo 534 views

ISA umanong kilalang personalidad ang nagkulong sa cabinet sa tinuluyan nitong bahay na kumupkop sa kanya sa loob ng walong buwan sa Amerika.

Sa isang lugar sa Amerika kung saan isinama ang nasabing personalidad ay kamuntik umano ito madedo dahil sa sobrang kalasingan. Naitawag ito sa 911 at na-survive at agad nai-rush sa pagamutan.

Nanghihinayang ang aming source dahil napabayaan ng nasabing personalidad ang kanyang career na hindi na umano gaanong naririnig ngayon maging sa Pilipinas.

In a way, wala namang dapat sisisihin sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng kanyang career kundi ang kanyang sarili.

Kris hindi pa rin physically fit sa pagbabalik-TV

KrisKris1NON-SHOWBIZ and a very private person ang napabalitang boyfriend na ex na ngayon ng tinaguriang `Queen of All Media’ Na si Kris Aquino – si Dr. Michael `Mike’ Padlan, chief resident surgeon ng Makati Medical Center. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon ni Kris na bukas sa publiko ang buhay ng dating Presidential daughter at sister.

Si Kris mismo ang nagbahagi sa kanyang Instagram account that `she’s single’ again habang nakatagpo na rin ng bagong pag-ibig ang isa pa niyang ex-boyfriend, ang businessman-politician na si Mark Leviste sa Tiktok personality na si Aira Lopez.

Sa kundisyon ni Kris ngayon, mukhang mahihirapan siyang mag-maintain ng isang relasyon not only due to her health condition kundi dahil na rin sa kanyang pagiging open sa publiko ng kanyang buhay.

Samantala, mukhang hindi pa rin matutuloy ang napapabalitang pagbabalik-telebisyon ni Kris dahil hindi pa siya physically fit.

Coco dapat nang bitawan ang pagdidirek sa TV

CocoCoco1RECORD-breaking high ang naitala last Friday evening ng hit primetime action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin who also co-produces, co-directs at tumayong creative director ng serye na umabot ng mahigit isang milyong views (1,004,554 to be exact) in a single episode.

Now moving to its 3rd year, hindi talaga maikakaila ang pagiging `primetime king’ ni Coco sa telebisyon dahil patuloy pa rin sa pamamayagpag ng kanyang pinagbibidahan serye na papunta na sa ikatlong taon.

Samantala, kung gusto ni Coco na makopo rin ang pelikula, ipamahala na niya sa iba ang pagdidirek ng kanyang pelikulang pagbibidahan.

Since naipalabas na sa Netflix ang pelikulang “Pula,” isang independent crime-drama-thriller movie na kanyang pinagbidahan opposite his lady love na si Julia Montes na kuwento at pinamahalaan ng award-winning director na si Brillante Mendoza, may pagkakataon pa rin kayang maipalabas ito sa mga sinehan? Ito’y tinampukan din nina Raymart Santiago, Cristine Bermas, Lotlot de Leon, Allan Paule, Elizabeth Oropesa, Vince Rillon at Ina Alegre mula sa script ni Reynold Giba.

Although nag-number 1 ito sa Netflix nang ipalabas sa nasabing streaming app, hindi ito gaanong tumatak sa mga manonood.

How about a mainstream movie sa kanila ni Julia mala- “Walang Hanggan” ang tema?

Cesar at Sunshine proud sa anak

CesarCesar1MASAYA at proud ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanilang panganay na anak na si Angelina Isabelle Cruz Manhilot sa De la Salle College kamakailan lamang. Present ang ex-couple sa special occasion ng kanilang panganay na pumasok na rin sa showbiz bilang model, singer at actress.

Si Angelina Isabelle ay panganay sa tatlong anak nina Cesar at Sunshine. Ang dalawang sumunod ay sina Angel Francheska at Samantha Angeline na pareho ring taglay ang ganda ng kanilang ina maging ang talent sa pagkanta na pareho nilang minana sa kanilang equally popular parents.

Kung masaya ngayon ang actor-director at producer na si Cesar sa kanyang present partner na si Kath Angeles kung kanino siya may tatlo na ring anak, masaya rin ang takbo ng puso ngayon ng kanyang ex-wife na si Sunshine sa piling naman ng mayamang controversial businessman na si Atong Ang.

Annulled na ang kasal nina Cesar at Sunshine kaya puwede silang magpakasal muli sa iba kung kanilang nanaisin.

May lumulutang na balita na balak umanong pakasalan ni Atong si Sunshine na binigyan na umano niya ng isang magarang bahay sa isang posh subdivision in Muntinlupa, Rizal.

Natutuwa naman ang tatlong Maria (mga anak) nina Cesar at Sunshine dahil parehong masaya ngayon ang kanilang parents with their respective new loves.

Winwyn mag-win kaya uli bilang beauty queen?

Pic1Pic2WILL Winwyn Marquez (Teresita Ssen) make it the second time around ngayong isa siya sa 69 official candidates ng Miss Universe Philippine 2025?

Despite her being a mom to a beautiful daughter (almost three years old) sa kanyang non-showbiz partner, nakapasok pa rin si Winwyn sa Miss Universe Philippines 2025 list of candidates.

The daughter of estranged celebrity couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno, Winwyn made history nang siya’y tanghaling first Filipina na nanalong Reina Hispanicoamerikana nung 2017.

The actress and former beauty queen is bent on claiming the 2025 Miss Universe Philippines crown and to represent the country sa 2025 Miss Universe pageant na ganapin on November 21, 2025 sa Impact Muong Thong Thani Arena in Bangkok, Thailand.

Si Winwyn (who represents Muntinlupa City) is not the only pageant repeater sa 2025 Miss Universe Philippines. Nariyan din sina Miss Universe Philippines 2024 2nd runner-up at Miss International 2018 1st runner-up na si Ahtisa Manalo (ng Quezon Province), Miss Globe 2022 semi-finalist na si Chelsea Fernandez (Sultan Kudarat) at Reina Hispanicoamerica 2019 5th runner-up na si Katrina Delgado among others.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE