
‘Mokang’ ni Lovi hit na hit sa Panagbenga
HANGGANG sa Baguio City, hit na hit pa rin ang character ni Lovi Poe sa “Batang Quiapo” bilang Mokang, huh!
May nakita kaming video ng isang babae na isinisigaw ang, “Bumalik ka na, Mokang!” sa kalagitnaan ng parada kaugnay ng Panagbenga Festival sa Baguio City.
Naging bahagi si Lovi ng dinarayong event sa City of Pines at nagpasiklab siya sa suot niyang bulaklaking damit na bumagay sa kanyang kaseksihan, huh!
CONTRACT RENEWAL
TULUY-TULOY ang partnership ni Dingdong Dantes at ng Mesa Philippines dahil muling nagkaroon ng contract renewal kamakailan.
Kasama si Dong sa mithiin na “Road to 100” ng Mesa na sa ngayon ay mahigit 80 na ang branches sa buong bansa, huh!
Para kay Dong, ang Mesa ay “more than just great food – it’s about sharing the heart and soul of Filipino cuisine with the world.”
Grateful si Dong na maging bahagi siya ng Mesa at excited siya na maging bahagi ng incredible milestone nito.