Heaven

Kiko handa sa lahat maliban kay Heaven

May 23, 2024 Aster Amoyo 148 views

KikoKiko1Heaven1POSIBLE kayang magsamang muli sa isang proyekto either sa pelikula o telebisyon ang dating magkasintahang Heaven Peralejo at Kiko Estrada ngayong magkasama na ang dalawa sa isang home studio, ang Viva Artists Agency (VAA)?

Hindi ito kaagad nasagot ni Kiko nang ito’y humarap sa isang intimate media interview sa board room ng Viva offices nung nakaraang Miyerkules ng hapon.

Hindi man nag-elaborate ang Viva actor, mukhang hindi pa ito handang muling makatrabaho ang dating kasintahan na nali-link ngayon sa kanyang ka-loveteam, ang Filipino-Italian actor na si Marco Gallo.

In his 13 years in showbiz, tatlong taga-showbiz na ang kanyang naging kasintahan na simula kay Devon Seron na sinundan nina Barbie Forteza at Heaven Peralejo. Except for Devon na tahimik ngayon ang career, nasa peak naman ng kanilang respective careers sina Barbie at Heaven. Si Barbie ay isa ngayon sa pinakaabalang actress sa bakuran ng Kapuso network habang si Heaven naman ay kabi-kabila ang proyekto sa kanyang home studio, ang Viva lalupa’t patuloy na umiinit ang tambalan nila ng kanyang rumored boyfriend na si Marco Gallo.

Although tahimik ngayon si Kiko na may kinalaman sa bago niyang inspirasyon, inspired umano siya dahil sa magandang takbo ng kanyang career sa bakuran ng Viva.

Kiko reprises the lead roles of Norman de la Cruz and Atty. Abraham Espiritu played the late action star Rudy Fernandez in the 1986 hit action-drama movie “Lumuhod Ka sa Lupa” na pinamahalaan ni Manuel `Fyke’ Cinco kung saan niya nakasama sina Jackielou Blanco, the late Eddie Garcia and Mark Gil among others. Kasama ni Kiko sa TV adaptation ng pelikula sina Sarah Lahbati (in her comeback bid), Sid Lucero, Rhen Escano at Gardo Versoza kasama sina Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Jeffrey Hidalgo, Jeric Raval at maraming iba pa.

Although gumawa na si Kiko ng mga sexy movies na ipinalabas saVivamax streaming app tulad ng “Sitio Diablo” at “Balik-Taya,” isa sa mga pangarap niya ay ang makagawa ng mga action-drama projects kaya ganun na lamang ang kanyang tuwa nang ibigay sa kanya ang TV adaptation ng pelikulang “Lumuhod Ka sa Lupa,” na palabas ngayon sa TV5 at Sari-Sari Channel since April 8, 2024 immediately after “Eat Bulaga”.

Dahil sa magandang feedback ng serye, simula ngayong June ay matutunghayan ang nasabing serye sa primetime block ng TV5 na direktang makakatapat ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin on ABS-CBN at “Black Rider” ni Ruru Madrid sa Kapuso Network.

Hindi ba naman siya natatakot na banggain ang mga hit TV series nina Coco at Ruru?

“It’s the network’s discretion naman po,” aniya.

But given the chance, gusto niya parehong makatrabaho sina Coco at Ruru na pareho umano niyang hinahangaan.

Naging emotional si Kiko nang matanong sa kanya ang kanyang late paternal grandfather na si Paquito Diaz.

“I was 16 when may grandfather passed on,” pahayag niya.

“Napanood ko ang mga past movies niya sa TV and I really looked up to him. Ang galing niya,” kuwento pa niya.

“Ang nakakalungkot lamang ay hindi ko siya gaanong nakasama when he was still alive at hindi ko rin siya nakatrabaho,” pagbabalik-tanaw ng panganay ng dating magkasintahang Gary Estrada at Cheska Diaz.

Si Kiko ay nagmula sa showbiz royalty ng mga Estrada (Ejercito) at Diaz. The late George Estregan was his paternal grandfather. Si George ay nakababatang kapatid ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada at lolo rin niya. Uncle naman niya sina Sen. Jinggoy Estrada, E.R. Ejercito at Jake Ejercito. Maternal grandfather din niya ang yumaong character actor na si Romy Diaz habang uncle naman niya si Joko Diaz at pinsan naman niya si Ashley Diaz. His parents Gary Estrada and Cheska Diaz are both actors. Actress din ang kanyang stepmom na si Bernadette Allyson. May tatlong half-siblings si Kiko sa kanyang ama na sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettita habang sa mother side ay may dalawa siyang half-siblings na sina Stefan at Gabrielle Alex with Carlos Morales as his stepfather.

Ang buong akala noon ni Kiko ay sa basketball siya mapupunta since he was part of the basketball players ng De la Salle University – College of St. Benilde pero sa showbiz umano siya dinala ng tadhana na hindi naman kataka-taka dahil sa showbiz lineage ng kanyang parents.

Samantala, ipinagmalaki ni Kiko na siya umano ang gumagawa ng kanyang mga action stunts and fight scenes sa kanyang bagong TV series, ang “Lumuhod Ka Sa Lupa”. Bago nagsimula ang taping ay sumailalim umano siya ng training ng muay thai at mga fight scene na patuloy umano niyang ginagawa habang ongoing pa ang taping ng serye.

Looking forward naman si Kiko na makatrabaho ang kanyang amang si Gary Estrada either sa telebisyon o pelikula balang araw.

Gerald handa nang sumabak sa local showbiz

GeraldSA loob ng dalawang taon, singer, songwriter and stage-film and TV actor Gerald Santos reprised the role of Thuy in the hit musical play, “Miss Saigon” sa Denmark and European tour.

In Denmark, natutunan ni Gerald aralin ang songs in Danish, one of the world’s hardest languages to learn.

Malayo na ang narating ng “Miss Saigon” which was originally played by our very own Lea Salonga playing the role of Kim in 1989 in London na sinundan sa Broadway. Since then, makailang beses na ring ni-reprise ang “Miss Saigon” ng iba’t ibang nagsipagganap as Kim, the role of Chris (the American engineer), Gigi (the bar girl) at Thuy (ang Vietnamese fiancé of Kim). But of course, nothing beats the original Kim na si Lea Salonga.

Ang “Miss Saigon” musical stage play ang naging daan ng maraming Filipino stage actors to shine sa international stage. Bukod kay Lea, nariyan sina Monique Wilson, Leo Valdez, Rachelle Ann Go, Eva Noblezada, Abegail Adriano, Seann Miley Moore, Kara Dario, Gerald Santos, Aicelle Santos, Joreen Bautista, Winchester Lopez among others.

Samantala, bukas ang 33-year-old singer-songwriter at actor na si Gerald to expand his singing and acting career sa Pilipinas na kanyang sinimulan in 2006 nang siya ang tanghaling champion sa 2nd season ng “Pinoy Pop Superstar” on GMA originally hosted by Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Naging winning piece niya ang “Hanggang” ni Wency Cornejo. Naging mainstay noon si Gerald ng dating Sunday musical show ng GMA, ang “SOP” until 2010. Then he moved to TV5 kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon.

Unang pinasok ni Gerald ang musical stage play when he was offered the role of Jose Rizal sa “Jose Rizal” musical play na nagkaroon ng national tour. Ito’y sinundan ng “San Pedro Calungsod: The Musical” na umabot ng apat na taon ang national tour which included the key cities ng Pilipinas.

It was in 2016 when he auditioned for “Miss Saigon” and the following year ay ginampanan niya ang papel ni Thuy sa “Miss Saigon” in Denmark and other European countries. Nang matapos ang tour, he left for New York for a much-needed vacation at dito naman niya nakilala ang kanyang Filipina-American girlfriend ngayon na si Grace Torrecacion na isang US Navy na mag-iisang taon na niyang kasintahan ngayong June.

Although malayo sa isa’t isa sina Gerald at Grace, LDR works for them. When their schedule permit, they visit each other every two months. Malaking bagay din ang social media dahil araw-araw umano silang nakakapag-video call sa isa’t isa.

Grace will attend Gerald’s upcoming concert at the Music Museum on June 29, 2024 na pinamagatang “Grateful,” the singer-songwriter and actor’s 18th anniversary in the entertainment business. Magiging special guests niya sina Ogie Alcasid, Rey Valera and Rita Daniela. The concert is presented by ECHOJHAM Entertainment Production.

Kasama sa repertoire ni Gerald ang kanyang hit songs na “Hanggang” at “Mahal Kita” na ginawang theme song ng local TV adaptation ng “Marimar” ng mag-asawa na ngayong sina Marian Rivera at Dingdong Dantes on GMA. Kakantahin din niya ang kanyang bagong composition culled from his new album, ang “MMK (Mahiwagang Mahal Kita)” plus other OPM hits by other great singers.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE