Suspek SAKOTE–Ang natimbog ng mga pulis sa Baseco dahil sa pagpapasikat ng sumpak. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Kelot sakote sa sumpak

December 22, 2023 Jonjon Reyes 143 views

NASAKOTE ng mga miyembro ng Tactical Motorized Riders Unit (TMRU) ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang isang 32-anyos na lalaki habang nagpapasiklab ng improvised shotgun o sumpak sa Block 7, Old Site, Baseco Compound sa Brgy. 649, Port Area, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Royong, construction worker na taga-Baseco Compound.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, natimbog ang lalaki dahil sa impormasyon galing sa Emergency 911.

Sinabi sa report na may isang lalaki na nagsisisigaw sa kalye at armado ng sumpak.

Nang mamataan ang suspek ng mga operatiba ng TMRU nag tatakbo papalayo si Royong hanggang sa nakorner at natimbog.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms Law) at alarm and scandal.

AUTHOR PROFILE