Default Thumbnail

Kelot sa center island pisak sa truck

July 13, 2022 People's Tonight 291 views

PISAK ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang palaboy sa kalye makaraang magulungan ng tractor head na truck habang natutulog ito sa center island sa Binondo, Maynila, madaling araw ng Miyerkules.

Tinatayang nasa edad 40 hanggang 50 anyos ang biktima, nakasuot ng kulay blue na t-shirt at maong na short.

Nahaharap naman sa kasong “reckless imprudence resulting in homicide” ang tsuper ng truck na nakatira sa Kawit St., Balut Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcrment Unit, bandang 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Delpan Bridge pababa sa bahagi ng Binondo, kung saan minamaneho ng tsuper ng tractor head habang binabagtas ang southward lane ng naturang tulay nang mawalan umano ng preno at hindi na nito nakontrol ang manibela.

Ayon sa tsuper, kinabig nito ang truck sa kaliwang bahagi ng kalye at sa kasamaang palad ay nagulungan ang biktima na umano’y natutulog sa center island at nagresulta sa agarang kamatayan nito.

AUTHOR PROFILE