LRT

KELOT PUTOL ANG PAA SA LRT-1!

August 19, 2023 Jonjon Reyes 554 views

ISANG hindi pa nakikilalang 26-anyos na lalaki na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) line 1 ang naputulan ng paa matapos umanong tumalon sa southbound tracks ng Blumentritt Station sa may Sta. Cruz, Manila, Sabado ng umaga.

Ayon sa press statement ni Jorjette Aquino, assistant secretary for railways ng Department of Transportation (DOTr), agad na na-apply ng train operator ang emergency break ng tren nang tumalon sa riles ng LRT-1 ang pasahero.

Kasunod ng pangyayari, agad ding ipinatupad ang provisional service mula sa Baclaran hanggang Central Station ng alas-6:12 ng umaga.

Ayon din sa pamunuan ng railways ng DOTr, na-rescue kaagad ang pasahero ng first responders mula sa ilalim ng tren ng alas-6:33 ng umaga. Siya ay buhay ngunit may mga sugat sa ulo at putol umano ang kaliwang paa nito.

Agad rin siyang dinala sa pinakamalapit na ospital at kasalukuyang ginagamot at nasa maayos ng kondisyon.

Hindi na muna ibinunyag ng pamunuan ng LRT-1 ang pagkakakilanlan ng pasahero upang hindi magdulot ng pag-alala sa kaniyang pamilya.

Bumalik ang full operation ng LRT-1 alas-6:44 ng umaga. Nina JON-JON C. REYES & JUN I. LEGASPI

AUTHOR PROFILE