
Kelot nakipagkita kay Kamatayan
PATAY ang isang lalaki noong Huwebes sa Blk. 15, Purok 4, Lupang Arena, Brgy. Sta Ana,Taytay, Rizal matapos barilin ng hindi nakikilalang salarin na nakipagkita lang sa kanya.
Binaril ang biktimang si Ayco Denila Alsa bandang alas-2:20 ng hapon, ayon sa report.
Nakilala lang sa alyas Loloy ang suspek na nakipagkita lang sa biktima nang barilin ito.
Biglang na lang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng ilang beses ang biktima habang ang kasama si alyas Tyson na nagsilbing lookout, ayon sa mga imbestigador.
Tumakas ang dalawang suspek matapos ang insidente.