Crime

Kelot ‘nag-suicide’ sa encounter, parak sugatan

September 3, 2023 Jojo C. Magsombol 279 views

KAMPO Heneral Miguel Malvar, Batangas–Todas ang isang lalake at sugatan naman ang isang pulis sa engkwentro sa Bgy. Sta Rita Karsada, Batangas City, Sabado ng gabi.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office-Calabarzon Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces residente ng Bgy. Pook na Banal, San Pascual, Batangas and napatay na suspek.

Napatay ang suspek dakong 9:40 ng gabi ng Setyembre 2, 2023, habang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga miyembro ng Batangas City Police Station
(CPS) sa pamamaril sa Bgy. Balagtas, Batangas City na nangyari noong umaga ng Setyembre 2.

Pumasok sa Breckenridge Hamburg Hotel sa Bgy. Sta Rita Karsada, Batangas ang suspek at doon siya sinundan ng mga pulis.

Agarang sumugod ang mga kapulisan kasama ang koponan ng SWAT mula sa Batangas PMFC at ang team ng 1st PMFC sa nasabing lugar.

Habang kinukumbinsi na sumuko ng mga otoridad mistulang nag-suicide ang suspek nang biglang binaril nito ang mga pulis at tinamaan si P/SSgt. Paciano Asilo, Intelligence Member ng Batangas CPS sa hita.

Doon na gumanti ang mga pulis at pinaputukan ang suspek. Ilang sandali pa, nakita ang suspek na nakahandusay na sa sahig na may tama ng bala sa ulo at naniniwala ang mga pulis na nagbaril na ito sa sarili.

AUTHOR PROFILE