Crime

Kelot na walang trabaho pinatay habang nakaupo

March 20, 2024 Gil Aman 90 views

PATAY ang 25-anyos na jobless na lalaki matapos barilin ng di kilalang suspek habang nakaupo ang biktima Martes ng hapon sa Sitio Ilaya Riles, Purok , Bgy. Parian ,Calamba City, Laguna.

Sa report na ipinadala ni P/LtCol.Nilany Martirez, hepe ng Calamba City police kay Laguna OIC Provincial Director PCol. Gauvin Mel Unos kinilala ang biktima na si Eugene De Mesa Jimenez .

Sa inisyal na imbestigasyon ng Calamba police, dakong alas 3:30 ng hapon ng barilin ang biktima ng hindi nakikilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket.

Nakaupo sa isang sementadong upuan ang biktima ng biglang dumating ang armadong suspek saka nito pinutukan ang biktima ng hindi mabatid na kalibre ng baril at tumakas.

Isang hot pursuit operation ang isinagawa ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek na mahaharap sa kasong murder.

AUTHOR PROFILE