Posas

Kelot gustong umiskor sa bebot, nasilo

December 2, 2023 Jojo C. Magsombol 148 views

NASILO ng mga pulis noong Huwebes ang isang lalaki na nagtangkang halayin ang bebot na Sangguniang Kabataan (SK) councilor sa Club Balai Isabel sa Banga, Talisay, Batangas.

Ayon sa testimonya ng biktimang councilor, nasa kwarto siya ng kaibigan niya para maghanap ng susi ng sasakyan nang biglang pumasok sa kwarto ang suspek na si alyas Johver at ni-lock ang pinto.

Pagka-lock, niyakap at hinalikan siya ng suspek sa leeg at sinubukang tanggalin ang kanyang bra.

Nanlaban siya at nakatakas kaya mabilis na nai-report ang insidente sa iba pa niyang kasama na tumulong sa kanya para i-report ang insidente sa mga otoridad.

Dumating ang grupo ng SK councilor sa lugar noong Nob. 28 bandang alas-5:30 ng umaga para sa mandatory training kasama ang lahat ng SK members ng San Juan.

Naaresto ang suspek ng mga pulis at dinala sa kanilang istasyon para sampahan ng kasong acts of lasciviousness.

AUTHOR PROFILE