Shabu Source: PRO3 file photo

Kelot, bebot laglag sa halos P6M na shabu

April 11, 2025 Bernard Galang 163 views

ARESTADO ang isang lalaki at babae na may pag-iingat na halos P6 milyong halaga ng shabu noong Miyerkules sa entrapment sa Sitio Mano, Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang mga nasilo na sina alyas Roger, 42; at alyas Queen, 40.

Isinagawa ang buy-bust sa mga suspek at nasamsam ang 859 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5,888,120, timbangan, cellular phone, itim na supot, itim na Mitsubishi pick-up (ZNN 175), marked at boodle money at samu’t saring ID

Nasa kustodiya ng Bamban police ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE