Kaycee

KC, iniwan ang showbiz para mag-asawa

May 4, 2022 Vinia Vivar 431 views

Sa isang exclusive interview ay inamin ni KC Concepcion na inisip na niyang mag-asawa kaya nag-lie low na siya sa showbiz for the past six years.

“To be super honest — and I’ve had this conversation with my nearest and dearest — I thought the last six years, that taking a step back from mainstream entertainment was the answer to me finally settling down,” pahayag ni KC sa isang online magazine interview kung saan ay cover girl siya for the month of May.

“It wasn’t a goal but it was one of the things I was always thinking about. I was always like contemplating, ‘How am I ever going to nurture a serious relationship when I was doing so much?’ she added.

Nagkaroon naman daw siya ng karelasyon pero unfortunately, hindi rin nauwi sa kasalan.

“So, nagkaroon naman ng long-term relationships, pero hindi pa rin siya nauwi sa marriage. It’s funny because kung kelan naman na parang, ‘Okay, I left,’ ngayon ako nakaka-meet ng faulty guys.

So, ito na naman ako, ‘Paano na naman? Ano ba pipiliin ko?’ But, ’yun, eh, sometimes I don’t like to control,” saad ni KC.

Natanong nga rin ang dalaga kung ano ba ang klase ng lalaki who will make her dreams come true, at aniya, “A secure man. And a handsome and sexy one at that!”

Sa ngayon nga ay balik sa pag-arte si KC and take note, ang comeback movie niya isang Holywood romantic-comedy film, ang Asian Persuasion, na kasalukuyan na niyang sinu-shoot.

MAY SINSERIDAD

Isa si Robin Padilla sa mga artistang sumusuporta kay 1st nominee Venus Emperado ng ipaTUPAD for Workers, Inc. party-list.

Sa tsikahan with the entertainment press last Tuesday, puring-puri ni Venus ang kabutihan at kabaitan ng action star.

Kuwento ni Emperado, itinaas ni Robin ang kamay niya noong nasa Lipa sila.

“Ang bango ni Robin,” natatawa niyang sambit. “Totoo ‘yun. Kasi na-meet ko siya noong nasa Singapore kami, 10 years ago pa. Mabait si Robin Padilla. Kung may iboboto man akong isang senador, si Robin ‘yun.”

Dagdag pa ng dating DoLE (Department of Labor and Employment) assistant, naramdaman daw niya ang sinseridad ni Binoe na makatulong sa taumbayan.

May mensahe pa si Emperado sa mga taong tumutuligsa sa pagiging number three ni Robin sa katatapos na survey.

“Sa totoo lang, ang mga tao kasi mapanghusga rin, ipakita na lang natin at naramdaman kasi kapag pumupunta siya sa mga lugar na sincere si Robin at isa ako sa nakakita na maganda ang intensiyon niya.”

Umaasa si Venus na kapwa sila mananalo ni Robin sa darating na May 9 elections.

Bukod kay Binoe, suportado rin sila nina Eric Quizon at Coleen Garcia gayundin nina Pangulong Duterte, dating governor Chavit Singson at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE