Romnick

Supporters ni Isko, gulat sa mga banat ni Romnick

May 4, 2022 Jun Nardo 325 views

NAGUGULAT ang mga supporter ni Manila Mayor at presidentiable Isko Moreno sa mga banat na hugot ni Romnick Sarmenta sa Twitter.

“Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa paninindigan mo dati.

“Pwede kang magalit o magtampo sa akin. Pero ang sinabi ko kailan lang ay dala ng malasakit at di galit. Sana’y mag-isip ka. Di pa huli,” tweet ni Romnick na may screen shot ng isang netizen na Jamie Ortega ang name.

Wala kaming maisip na rason. Ang alam namin, Moreno ang apelyido ni Federico, boyfriend ngayon ng ex-wife ni Romnick na si Harlene Bautista.

Moreno rin ang screen surname ni Isko at gamit sa kampanya niya.

Tama kaya kami, Ian F?

PAGKILOS NG PAGMAMAHAL

DUMAGDAG ang DonBelle loveteam sa celebs na suportado ang kandidatura ni VP Leni Robredo.

Nagpakita ang young stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga Pilipino na ang pagboto ay isang pagkilos ng pagmamahal.

Botante sa unang pagkakataon si Belle, inihahalintulad niya ang pagboto sa pagpili ng boyfriend na totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya..

Nanawagan ang loveteam sa isang video message sa kapwa nila kabataan na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamilya, kaibigan at sa bansa sa mga tamang kandidato sa darating na halalan.

AUTHOR PROFILE