Angeles

Kawani ng Malacañang nahulog sa ika-4 palapag

July 14, 2022 Jonjon Reyes 372 views

ISINASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang mga nakatalagang security guard ng Malacañang makaraan umanong nahulog mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall ng Malacañang Compound ang isang empleyado ng Palasyo, araw ng Huwebes.

Nakilala ang biktimang si Mario Castro nasa hustong gulang, isang administrative aide.

Nangako naman ang Office of the Press Secretary (OPS) na tutulong sa pamilya ng biktima.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na isinumiti kay P/Brig. Gen. Leo Francisco, MPD Director, Huwebes ng umaga ng makarinig ng kalabog ang ilang nakaposteng security guard ng Agilex Security Agency.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng MPD-Homicide Section kung may naganap na “foul play” sa naturang aksidente habang ang bangkay ng biktima ay isinailalim sa awtopsiya.

Kinumpirma naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing na ang biktima ay isang administrative aide ng Malacañang.

Ang biktima ay nakatalaga sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

Sinabi din Cruz-Angeles na ang Presidential Security Group (PSG) at ang Philippine National Security Force Unit ay nakikipag-ugnayan sa imbestigasyon sa insidente.

Idinagdag niya na “gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang pamilya ni Castro”.

AUTHOR PROFILE