Default Thumbnail

Katrina muling naging sexy dahil sa bagong role

October 28, 2023 Aster Amoyo 505 views

NATATAWANG sinabi ni Katrina Halili na hindi niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa upcoming Kapuso drama-action series na ‘Black Rider.’

Kinuwento ni Katrina ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang si Romana.

“Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga trainings, sa big bikes, mixed martial arts, kung anu-ano,” sabi ni Katrina.

“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, drug lord lang na mag-uutos-utos.

“Super shocked po ako na ang daming trainings po tapos ako po pala ‘yung gagawa ng action, akala ko taga-utos lang po!” tawa pa niya.

Nagduda tuloy sa sarili si Katrina kung magagampanan niya ang role.

“Una, skeptic po ako sa sarili ko kasi nasanay na po ako sa hapon (GMA afternoon series) na nanay, iyak-iyak. Pero noong ginagawa ko na po siya, na-e-enjoy ko po siya. Happy po ako, medyo lumiksi-liksi na nga po ang katawan ko.

“Siyempre kinondisyon ko ‘yung sarili ko na pumayat ako. Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo. Tapos kasama ko sina Ruru (Madrid) tapos Matteo (Guidicelli), mas lalo po akong na-stress. Sobrang stressed po ako noong nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko.

“Pero okay lang, sa stress na ‘yun, at least pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan. Ang laking tulong na ibinigay sa akin ang role na Romana para lumapit-lapit ulit ako sa timbang ko dati.”

Herlene inilahad ang pakiramdam ng galing sa isang broken family

INILAHAD ng bida ng ‘Magandang Dilag’ na si Herlene Budol ang pakiramdam na maging produkto ng isang broken family dahil hindi magkasundo ang kanyang mga magulang.

“Feeling ko naman talagang hindi sila para sa isa’t isa. Kasi na-‘gin bilog’ lang daw ‘yung mama ko dati, kumbaga nabuo lang ako dahil sa alak. Sinubukan nilang magsama kaso hindi talaga ho.”

Sa kabila ng sitwasyon, natanggap ito ni Herlene sa kanyang pagkatao.

“Hindi ako nabuo sa ‘make love,’ pero naging love naman talaga ‘yung bunga. Manhid na manhid na ho ako para sa broken family naming issues.”

Ayon kay Herlene, naging mas mabuti pa ang pagsasama nilang pamilya noong naging magkaibigan na lang ang kaniyang mga magulang.

“Kapag naging mag-jowa ‘yan, naku, nililipad na naman ng mga kaldero!” saad niya.

Sa edad na 15, si Herlene na ang nagpaaral sa kanyang sarili mula high school hanggang college, at nakatapos ng pag-aaral.

Kung kaya naman sinusulit ni Herlene ngayon ang mga biyayang kanyang natatanggap.

“Ayokong gugutumin ko ‘yung sarili ko. Tapos na ako sa part na ginugutom ko ‘yung sarili ko noong elementary ako kasi tinitipid ko ‘yung pera ko para may maganda akong outfit sa Pasko,” sey pa ni Herlene.

Mula sa pagiging contestant, naging co-host si Herlene ng isang show, hanggang sa mabigyan ng break na mag-artista, at ngayon ay bida na sa afternoon TV series na ‘Magandang Dilig’ sa GMA7.

Artista na, ham business owner pa

BUKOD sa pagiging isang Sparkle heartthrob, isa rin si Manolo Pedrosa sa co-owners ng ham business ng kanyang pamilya.

Ang kita kapag peak season gaya ng Pasko, umaabot ng milyon-milyong piso kada buwan.

Sa programang Pera Paraan, itinampok ang “Majestic Ham” business ng pamilya ni Manolo, na itinayo ng kanyang mga magulang noon pang early 90s.

Ang kuya ni Manolo na si Jarel ang kasalukuyang hands-on sa pagpapatakbo ng negosyo.

“‘Yung value preposition po kasi namin is quality product. Gusto naming sundin ‘yung Filipino traditional way of cooking and curing ham,” sabi ni Manolo.

Ayon kay Jarel, kailangan nilang iimbak ang mga ham ng tatlo hanggang anim na buwan para sa curing stage nito. Matapos nito, muli silang maghihintay ng anim na buwan para naman sa aging stage ng ham.

Iniimbak nila ang mga ham sa mga oak barrel para manuot ang lasa ng timpla sa karne.

Matapos nito, pauusukan naman ang mga ham gamit ang fruit trees, bago ilalagay sa airing rack para tumulo ang sobrang langis.

Pagkahugas, maaari nang lutuin ang hamon gamit ang brown sugar at secret spices. Pagkatapos nito, maaari na itong i-glaze sa asukal gamit ang “plantsa.”

Silipin sa video ng Pera Paraan ang mabusising proseso ng negosyo nina Manolo para matiyak ang malinis, matamis, at de-kalidad na lasa ng kanilang ham.

AUTHOR PROFILE