
Kathryn at Alden may posibilidad na maungusan nina Marian at Dingdong
TWENTY-seven-year-old Kathryn Bernardo considers the past year eventful and challenging year for her.
Sa kabila ng kanyang much-talked-about break-up with former loveteam and ex-boyfriend na Daniel Padilla which they both confirmed on their respective Instagram account on November 30, 2023, the young superstar still considers the year 2023 as an eventful year dahil sa maraming magagandang events na nangyari sa kanya.
Nung September 21, 2023 ay tinanggap niya ang Outstanding Asian Star Award mula sa Seoul International Drama Awards 2023 na sinundan ng Asia Artist Award nung December 14, 2023 sa Philippine Arena in Bulacan.
Hindi rin maitatanggi na naging matagumpay ang unang tambalan nila ng International Filipino actress na si Dolly de Leon sa pelikulang “A Very Good Girl” na ipinalabas din nung nakaraang taon.
To this day, ang tambalan pa rin nila ni Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ang may tangan ng top Filipino box office breaking record na kumita sa takilya ng mahigit P900-M, record na pwedeng ma-break ng tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pamamagitan ng “Rewind” na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipilahan sa takilya at palabas na rin sa ibang bansa. Pumapangalawa pa rin ang movie ni Kathryn in 2018 with her erstwhile partner na si Daniel Padilla in the movie “The Hows of Us” na kumite sa takilya ng mahigit PP800-M.
Although maraming nalungkot sa break-up nila ni Daniel, winner naman si Kathryn pagdating sa kanyang career bilang actress and celebrity endorser at bilang isang successful entrepreneur.
Since willing si Alden na makatrabahong muli si Kathryn, this might just happen this year na inaasahang magkakaroon ng panibagong development pagdating sa kanilang personal relationship.
Consistent si Kathryn sa kanyang pagiging box office star either kasama niya sa project si Daniel o ibang partner ang kanyang co-star.
But for 2023, maituturing na si Marian Rivera ang bagong Box Office Queen habang si Dingdong Dantes naman ang bagong Box Office King dahil sa malaking tagumpay ng kanilang pelikulang “Rewind” na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa maraming sinehan.
MMDA nagdiriwang dahil sa tagumpay ng film festival
DAHIL sa malaking tagumpay ng 49th Metro Manila Film Festival na kumita na ng mahigit P1-B in gross receipts, extended ito for another week until January 14, 2024 kaya ang mga bagong pelikula na dapat sana’y palabas nung Lunes, January 8, 2024 ay naurong to January 15, 2024 at kasama na rito ang opening salvo ng Viva Films for the year 2024, ang “ZomBabe” na pinagtatambalan nina Empoy Marquez at Kim Molina.
Masayang-masaya ang MMDA Acting Chairman at MMFF overall concurrent chairman na si Atty. Don Artes sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa sinehan ng sampung pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival kung saan ang pelikulang “Rewind” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay kumita ng mahigit P600-M and counting.
Sa madaling salita, ang kinita at patuloy na kinikita ng “Rewind” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar ay mahigit sa kalahati ng siyam na iba pang pelikulang kalahok combined gross receipts kaya napaka-suwerte ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures ni Dingdong Dantes na siyang producers ng pelikulang nabanggit. Ito rin bale ang unang pelikula ng celebrity couple na kumita nang ganito kalaki at the box office.
To date, umabot na sa P1-B mark ang gross receipts ng two-week run ng 2023 MMFF na muling dinagsa ng mga manonood on its last day last Sunday, January 7. Pero dahil sa dagsa ng mga tao, nag-desisyon ang pamunuan ng MMFF na ito’y palawigin ng isa pang linggo until January 14, 2024.
Samantala, dahil sa overwhelming turnout sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF na maipapalabas din sa kauna-unahang Manila International Film Festival in Los Angeles, California, USA from January 29 to February 2, 2024, isusunod naman na paghahandaan ng MMFF ay ang golden anniversary ng taunang filmfest this year.
Maiqui nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kasal nila ni Robi
IT was on August 3, 2023 when Robi Domingo’s brand new wife Maiqui Pineda-Domingo shared in her Instagram account her journey as she faces a new challenge in her life na may kinalaman sa kanyang health and this was four months bago ang kanilang `BIG DAY’ ng husband na niyang ngayong si Robi, ang kanilang wedding.
Narito ang kabuuan ng post ni Maiqui”
“What was supposed to be an exciting year of wedding planning, preparing for a new home and working on my career, life hd other plans for me…I got sick.
“I have a rare autoimmune disease called dermatomyositis that causes muscle weakness, inflammation and a skin rash.
“I already started treatment but the journey to recovery is far from over. There are good days but there are still bad days. I am hopeful that this is just temporary and I will work on getting better one day at a time.
“Thank you to everyone who sent prayers and messages of love and support! It meant a lot to me.
“For the full story of what happened, I created a blog to help document my own personal progress and for anyone who may need it one day. Link in bio!,” pagbabahagi ni Maiqui who is now officially Mrs. Robi Domingo.
Sa kabila ng sakit ni Maiqui ay itinuloy nila ni Robi ang kanilang planned wedding day na nangyari last Saturday, January 6 at the Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador in Pulilan, Bulacan na dinaluhan ng kanilang respective families and friends in and out of showbiz at kasama na rito si dating VP Leni Robredo na isa sa mga tumayong ninang.
Kasama rin sa wedding entourage sina Carlo L. Katigbak na siyang president-CEO ng ABS-CBN, Cory Vidanes and COO for Broadcast ng Kapamilya Network, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, Piolo Pascual, ang dating magkasintahang Kaathryn Bernardo at Daniel Padilla,Piolo Pascual, Donny Pangilinan, Darren Espanto at iba pa, marami ring mga kasamahan at kaibigan ni Robi from the Kapamilya network ang dumalo tulad nina Gary Valenciano and his son Gab Valenciano, Joshua Garcia Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee, Alora Sasam, Edward Barber, Maymay Entrata, Janine Gutierrez at iba pa.
Ang recent wedding nina Robi at Maiqui ay maituturing na 1st Celebrity Wedding of the Year.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.