Kathleen

Kathleen positive pa rin kahit nagkaroon ng miscarriage

November 7, 2023 Aster Amoyo 233 views

Kathleen2Kathleen1NAGKAROON ng miscarriage si Kathleen Hermosa-Santos, ang nakatatandang kapatid ng actress na si Kristine Hermosa, sa magiging first baby (babies) sana nila ng kanyang husband na si Carl Miko Santos. Triplets sana ang ipinagbubuntis ng aktres pero hindi ito natuloy.

“We were once pregnant with our triplets. I named them TresM!

“Marking this day as one of His faithful reminders. He did it to us. He will do it again.

“GOD WILL MAKE US PREGNANT AGAIN! With healthy both myself and triplets again! And He is no doubt capable of making it happen to you too!

“No time to waste sulking, fretting and in sorrow.

“Let’s now allow ourselves to go spiral down that way.

“We/I choose to be in a space full of hope and excitement!

“Now, let’s keep ourselves busy, enjoy working hard and claim to be useful in expanding God’s territory in business!

“Let’s start to also prepare and be specific with our prayers!,” pagbabahagi ni Kathleen sa kanyang IG account.

The couple got engaged nung December 31, 2022 and got married nung nakaraang June 8, 2023.

Naniniwala si Kathleen at ang mister niyang si Miko na may ibang plano para sa kanila ang Diyos at sila’y umaasa na muli silang mabibiyaan ng anak.

It was in 1996 nang magsimula sa showbiz si Kathleen nang siya’y maging bahagi ng youth-oriented program ng ABS-CBN, ang “Gimik”.

Jomari at Abby gustong magkaroon ng sariling anak

JomariJomari1Jomari2NEVER na in-imagine ng mag-asawa na ngayong Jomari Yllana at Abby Viduya na silang dalawa pa rin ang magi-end up with each other matapos ang ilang dekada nilang paghihiwalay.

The couple were only in their teens (15) nang una silang ma-in love sa isa’t isa nang una silang magsama sa pelikula, ang “Gwapings: The First Adventure” na siyang launching movie nina Jomari, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso na pinamahalaan ni Direk Joey Javier Reyes under Regal Films (Regal Entertainment na ngayon). This is in 1992. Ito’y nasundan ng “Gwapings Dos” in 1993.

When the group was brought to Hong Kong ng Regal at ng Bench, doon official na naging magkasintahan ang dalawa. But that was a short-lived relationship dahil pareho pa silang bata pa. They went on their separate ways at sumikat individually.

Jomari married actress Aiko Melendez in 2000 pero nauwi rin ito sa hiwalayan in 2004. Nabiyayaan sila ng isang anak, ang young actor na si Andre (25). After his break-up with his ex-wife, nagkaroon ng iba’t ibang karelasyon ang actor at kasama na rito sina Ara Mina, Pops Fernandez at dati niyang partner na si Joy Reyes kung kanino siya may dalawang anak na parehong lalaki, sina Jom Christiano Ayrton (5) at Jom Christiana Fangio (4).

Nagkaroon din ng iba’t ibang relationships noon si Abby na nakilala rin noon as Priscilla Almeda during her prime bilang sexy star sa bakuran ng Seiko Films pero never siyang nakasal. Nagkaroon din siya ng tatlong anak sa dalawang ex-partners.

Dahil sa social media (Facebook), muling nag-reconnect ang dalawa. Nang makita ni Jom ang FB account ni Abby ay nagpadala siya ng message na agad namang sinagot ng actress na naka-base na noon sa Canada. Nagpatuloy ang communication ng dalawa until the actor convinced Abby na bumalik ng Pilipinas in 2019 to give their relationship another try.

First love never dies. Ito rin ang paniniwala nina Jomari at Abby who were separated for almost three decades without communication bago sila nagkabalikang muli in 2019.

“Hindi nawala ang pagmamahal namin sa isa’t isa kahit marami kaming pinagdaanan,” pag-amin ng actor-politician at car racer na sinang-ayunan naman ni Abby.

“Ang kaibahan ngayon, mas mature na kaming dalawa,” ani Abby.

Ang taong 2023 ay maituturing na eventful year for Jomari and Abby dahil sa taong ito nangyari ang ginagawang pamamanhikan ng actor sa pamilya ng actress last February, ang kanilang engagement in Hong Kong kung saan sila naging magkasintahan when they were teen-agers at ang kanilang civil wedding in A Little White Chapel in Las Vegas, Nevada last Sunday, November 5. Sa taon ding ito binuksan ang bagong negosyo ng actor, ang Wonder Lobe for Yllana Racing, ang pagbabalik ni Jom sa car racing maging ang kanyang acting career. Pansamantala muna siyang pahinga sa kanyang political career to focus on acting, business and his family life.

Samantala, ngayong official nang Mr. and Mrs. Jomari Yllana ang bagong couple, ito’y susundan ng kanilang church wedding in Penafrancia Church in Naga City in 2024.

Although pareho nang may tig-tatlong anak sa ibang partners sina Jom at Abby, ituturing nilang blessing and a miracle kung sila’y mabibiyaan ng sarili nilang anak. Kinu-consider din ng celebrity couple na first and last love na nila ang isa’t isa.

At 78, Jose Mari is unstoppable

JoseJose1MUSIC icon, singer-composer, performer and a successful businessman Jose Mari Chan (78) is considered in the Philippines as the “King of Philippine Christmas Carols” dahil sa kanyang classic Christmas hit song na “Christmas In Our Hearts” which she recorded in 1990 with his daughter Liza. The part of Liza was first offered to Broadway star Lea Salonga who was not available at that time. Said song remain as the most popular and best selling Filipino Christmas song of all time. Ginawa na ring symbol si Jomari ng Christmas in the Philippines sa tuwing pumapasok ang `Ber’ months. This is also the season na sobrang in-demand ang veteran singer-composer and balladeer including TV commercials.

Married to Maryann Ansaldo with five children and grand children, singing and composing songs remain a passion to him since he started writing his first song when he was 13 pero ang kanyang interest in music started when he was a child which he inherited from his maternal grandmother na mahilig sa music.

Si Joe na yata ang pinaka-successful hindi lamang sa larangan ng pagne-negosyo kundi laluna bilang isang balladeer, singer and composer with a countless of hit songs under his belt for over six decades. Bukod sa classic Christmas hit song na “Christmas In Our Hearts,” ang iba pang hit songs niya include “Afterglow,” “Can We Just Stop And Talk A While,” “Refrain,” “Tell Me Your Name,” “A Love To Last A Lifetime,” “Constant Change,” “Beautiful Girl,” “ Please Be Careful with My Heart” and a lot more.

At 78, wala pang plano si Joe Mari na mag-retiro sa pagsusulat ng kanta, recording and performing.

Ngayong Christmas season, Joe has shows and concerts both here in the Philippines and abroad performing with other known OPM talents and artists.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE