Karla

Karla hindi na babalik sa ‘Magandang Buhay’

June 25, 2022 Aster Amoyo 682 views

Karla1

PAGKATAPOS ng kanyang farewell episode ng morning talk show ng Kapamilya channel na “Magandang Buhay, ” hindi na mapapanood ang isa sa original hosts ng programa, ang singer-actress-host na si Karla Estrada.

Ito’y para bigyan-daan ang bago niyang journey bilang isang public servant bilang bahagi ng Tingog (voice) Partylist. Matagal ding nawala si Karla sa “Magandang Buhay” dahil naging abala siya sa kampanya. Although hindi si Karla ang uupo, dahil dalawang nominees lang ang nakuha ng Tingog, magiging abala pa rin si Karla sa kanyang tungkulin sa partido.

When Karla took a leave of absence sa “Magandang Buhay” na pinagsasamahan nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros simula April 8, 2016, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang pansamantalang naging co-host at ngayon naman ay ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos na nakapag-tape na ng advance episodes.

Malungkot man sina Jolina at Mela isa pag-alis ni Karla sa kanilang programa, naiintindihan at nirerespeto naman nila ang desisyon ng kanilang dating kasamahan sa programa.

Samantala, it is now a toss between Regine and Judy Ann sa ipapalit ng ABS-CBN kay Karla sa “Magandang Buhay”.

AmyAmy1

Amy mahigit 20 years bago na-annul ang kasal

IT took radio and TV host and occasional actress Amy Perez almost 21 years bago niya nakamit ang kanyang annulment sa kanyang ex-husband, ang former lead vocalist ng South Border Band na si Brix Ferraris,.

Bukod sa hindi nag-cooperate sa annulment proceedings ang singer, bigla rin itong nag-disappear at walang balita sa kanya sinuman.

Inamin ni ‘Tsang’ Amy (as she is fondly called in showbiz) na nawalan naumano siya ng pag-asa na makakamit pa niya ang pagpapawalang-bisa ng kanyang unang kasal.

One-year-old pa lamang noon ang anak nina Amy at Brix na si Adi nang sila’y magkahiwalay at limang taon naman ang bata nang huli itong makita ng kanyang ama.

Ayon kay Amy, hindi naging madali on her part na maging ama’t ina ni Adi na gumawa rin noon ng paraan na muling makita ang kanyang ama but to no avail.

Adi is now 24 years at meron nang kasintahan. He also lives independently from his family.

It was in January 2014 when finally naaprubahan ang annulment ng kasal nina Amy at Brix at November 12, 2014 naman nang magpakasal muli si Amy sa kanyang second husband na si Carlo Castillo with whom she has two sons, sina Kyle (13) and Isaiah Joaquin (9).

She was already living-in with Carlo (who used to work at DZMM) kung saan sila nagkalapit at meron na silang dalawang anak before they got married dahil at that time ay hindi pa free ang TV host-actress na muling magpakasal dahil naka-pending pa ang kanyang marriage annulment with Brix.

When Amy’s marriage was finally annulled ay doon lamang nila plinano ni Carlo (who is 10 years her junior) ang kanilang kasal which took ten months later.

Amy started as young child bilang TV commercial model bago ito napasok sa showbiz.

It was the late Cheng Muhlach, father of former matinee idol Aga Muhlach, who discovered Amy at isinama siya sa cast ng “Campus Beat” movie in 1984 kung saan tampok sina Aga, the late Ricky Belmonte, Rosemarie Sonora, Susan Bautista, Tanya Montenegro at marami pang iba. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng yumaong si Emmanuel `Maning’ Borlaza.

Nang makita naman siya ng yumaong producer-talent manager na si Douglas Quijano ay isinama siya sa dating weekly sitcom ng ABS-CBN, ang “Palibhasa Lalake” na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana at kung saan din tampok sina Gloria Romero, Cynthia Patag at iba pa. The program started in 1987 at nagtapos sa ere nung 1998.

Although nakagawa si Amy ng ilang pelikula, mas tumatak siya bilang host sa telebisyon. Naging bahagi siya ng “Kuwarta o Kahon” game show program noon ng yumaong host-producer na si Pepe Pimentel, gayundin sa “Sa Linggo nAPO Sila,” “Magandang Tanghali, Bayan,” at “Umagang Kay Ganda.” There was also a time na nagkaroon siya ng radio show sa DZMM and a stand-alone reality talk show, ang “Face to Face” on TV5 kung saan din siya nagkaroon ng isang morning show.

Amy took a leave of absence from “Face to Face” when she was pregnant sa kanyang bunsong anak na si Isaiah. Then ABS-CBN took her back to be part ng “Umagang Kay Ganda” and “It’s Showtime” at isang daily radio program, ang “Sakto”.

Amy thank her second husband na si Carlo sa pagiging responsible family man at pagiging supportive nito sa kanya at sa kanyang tatlong anak including Adi na in-adopt na rin nito.

“Nagkaroon man ako ng failed marriage at first, binigyan naman ako ng Diyos ng panibagong biyaya nang dumating si Carlo sa buhay ko at sa buhay namin ng mga anak ko,” ani Amy.

“I am so blessed having him (Carlo) in our lives,” diin pa niya.

Bago nakilala ni Amy ang kanyang husband ngayon na si Carlo, she was into other relationships (non showbiz guys) pero kay Carlo umano siya `nahulog’ nang husto. After her failed marriage with Brix, natutong manigarilyo, uminom at bumarkada si Amy pero ang lahat ng ito’y kanyang tinalikuran nang makilala niya nang husto ang Diyos after good friend, actress Lara Melissa de Leon gave her a Bible.

First cousins ni Amy sina Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla. Ang father ni Amy at respective moms nina LT at Zsa Zsa ay magkakapatid kaya pamangkin ni ‘Tsang’ Amy si Karylle na kasama niya sa “It’s Showtime”.

Although pare-pareho silang aktres, tumatak sila sa iba’t ibang field ofentertainment – si LT sa acting, si Zsa Zsa sa singing habang si Amy naman sa radio and TV hosting.

Bukod sa hosting, Amy is also a Christian vlogger.

JC

JC honored maging new Beautederm ambassador

ANG 33-year-old singer-actor na si JC Santos ang pinakabagong karagdagan sa family of brand ambassadors ng Beautederm founder by its president and CEO, Rhea Anicoche-Tan.

JC will be officially launched today (June 26 – Sunday) at Marriott Hotel in Clark, Pampanga as it’s new addition to the roster of celebrity endorsers for the leading beauty product line in the Philippines.

Honored siyempre si JC na maging bahagi sa malaking pamilya ng Beautederm na meron nang mahigit 70 brand ambassadors na pinangungunahan ng mag-asawang Marian Rivera and Dingdong Dantes, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Piolo Pascual, Maja Salvador, ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez at napakarami pang iba.

JC is married to Shyleena Herrera at meron na silang two-year-daugher na si River Athena.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE