BBM Source: PCO FB

Kapakanan ng mga sundalo prayoridad ni PBBM

May 18, 2024 Chona Yu 73 views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na prayoridad ng administrasyon ang kapakanan at morale ng mga kagawad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng mga pamilya nito.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa commencement exercises ng 278-strong graduating cadets ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 sa PMA Borromeo Field, Fort Gregorio del Pilar, Loakan, Baguio City.

“And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our uniformed officials and personnel, and of course including your respective families,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang “Bagong Sinag” ay nangangahulugan ng “Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang Aming Gabay” kung saan 278 mula sa 350 original cadets ang nakapagtapps sa Bachelor of Science in National Security Management (BSNSM).

Sa naturang bilang, 224 ang lalaki habang 54 ang babae. Pito sa mga kadete ang nagtapos sa Foreign Service Academies.

Binigyang pagkilala rin ni Pangulong Marcos ang mga guro sa PMA dahil sa kanilang dedikasyon na turuan ang mga kadete.

Pangako ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng kanyang administrasyon, maitataguyod ang “Bagong Pilipinas” na mapayapa at progresibong bansa.

AUTHOR PROFILE