
Kakampinks pinapaatras na mga kalaban para talunin ang BBM-Sara team?
KULANG sa isang buwan na lang at halalan na.
Pero ano itong naririnig ko na ang Kakampinks daw ni VP Leni Robredo ay kinakausap na ang ibang mga Presidential candidates na umatras na lang?
Bukod kay Presidential candidate Sen. Ping Lacson, bali-balita din na kinausap na rin ng mga handler ni Leni at Kiko si Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao na kusang umatras na lang sa laban.
Tingin kasi ng Leni-Kiko tandem kapag umatras sina Lacson, Moreno at Pacquiao sa karera ay mapupunta ang boto ng tatlo kay Leni.
Ang problema, walang garantiya na makukuha nila ang boto ng mga aatras na kandidato dahil iba-iba ang plataporma ng bawat isa at hindi rin tugma o nakalinya sa sa mga ipinapangkong programa ng “Pinklawan” ni Leni.
Halimbawa na lang, karamihan sa mga mga supporters ni Leni ay mga mayayaman at propesyunal hanggang sa middle class.
Papaano boboto ang mga sumusuporta kay Pacquiao na pawang mga masa kay Leni na malapit sa mga mayayaman at propesyunal?
Iba kasi ang pananaw ng mga supporters ni Pacman sa buhay. Ganun din sa mga may gusto kay Isko o kay Lacson na pawang mga nasa middle class at ilang mga mahihirap.
Ang masaklap, tila desperado na raw ang Kakampinks dahil ilalaglag umano nila si Senador Kiko Pangilinan at ipapalit si Senador Tito Sotto bilang bise presidente kung aatras si Ping sa laban.
Ito ang pag-amin ni Sen. Lacson sa isang panayam na lumabas sa Philippine Daily Inquirer kamakailan.
“Anong klaseng offer yan? Ilalaglag ninyo ang kasama nyo (Kiko) para manalo ang prinsipal (Leni) ninyo. So I rejected,” pagsiwalat ni Lacson.
I am sure walang kaalam-alam si Kiko na siya ang ginagawang “bargaining chip” o pantawad sa ibang kandidato para manalo lang si Leni kung pagbabasehan ang pahayag ni Ping.
Tingin ng ilang mga political analysts, desperado ang grupo ni Leni dahil alam nila mahihirapan na silang talunin ang BBM-Sara Uniteam base sa mga surveys na with less than one month na lang at lamang pa rin sina Marcos at Duterte ng higit 30% kina Leni at Kiko.
Dagdag pa ng ilang tagamasid sa halalan, ang mga libo-libong nakikitang dumadalo sa rally ni Leni kamakailan ay yung mga supporters niya na nasa higit 20 percent o ilang milyon din naman.
Pero hindi pa rin sasapat daw sa supporters ng Uniteam na nasa 56% sa pinakahuling survey.