Kaila Larawan mula sa IG/@kailaestrada

Kaila Estrada na-scam sa phone call

December 20, 2023 People's Tonight 412 views

NADENGGOY ang ‘Can’t Buy Me Love’ at ‘Linlang’ actress na si Kaila Estrada tila sa pamamagitan ng phone call.

Sa kanyang X (dating Twitter) account nitong Martes, Disyembre 19, isiniwalat ng aktres na na-scam siya.

“I just got scammed…” sey ni Kaila sa isang post.

Nagbigay paalala rin ang aktres na huwag sagutin ang tawag sa mga hindi kilalang numero dahil magaling mang-uto sa panahon ngayon ang mga manloloko.

“People out there can be very convincing these days so don’t answer calls from unknown numbers. Stay safe guys!” pahayag niya sa hiwalay na post.

Nagbigay simpatya naman ang mga netizens at ikinuwento rin ang pagkakataong sila’y na-scam.

“Totoo po. I got scammed few days ago kasi sobrang convincing talaga. Trust issue ko malala na talaga,” wika ng isang netizen.

“I’m so sorry that happened to you too,” komento naman ni Kaila.

“One of the reason i never answer any unknown number already cause i got phished almost a year ago and lost around 80k.. literally all my savings,” wika naman ng isang netizen.

“Oh no I’m so sorry,” sagot ni Kaila sa kanya.

AUTHOR PROFILE