
Matteo gusto nang magkaanak sa 2024
WISH nang magka-baby sa susunod na taon ng aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang asawa na si ‘Popstar Royalty’ Sarah Geronimo.
Sa isang panayam, ibinuking ng ‘Penduko’ actor ang kanilang journey ni Sarah bilang mga bagong kasal at mag-asawa.
Sey ni Matteo, nahirapan daw sila sa unang anim na buwan ng kanilang married life dahil sa mga adjustment na kailangang gawin.
“Before getting married and the first six months is very challenging because, yun, it’s two people getting together especially na never kami nakatira sa isang bahay, etc. A lot of adjusting. A lot of learning,” wika ng aktor.
“But these challenges are all very much worth it to get to know and strengthen the relationship,” dagdag pa niya.
Inamin naman ni Matteo na gusto na nilang magkaroon ng anak ni Sarah at hiling nila na sa susunod na taon ay magkaroon na.
“Praying, praying na may dragon baby tayo, sana, sana. So ipe-pray natin yun,” pahayag ng ‘Penduko’ actor.
“Gustong-gusto namin, gusto namin. So hopefully this next year sana, sana,” aniya pa.