
Julia Montes nagpaturo mag-Tik/tok
SINORPRESA ng model-actress at “Daytime Drama Queen” na si Julia Montes ang TikTok matapos niyang ianunsiyo na may sarili na rin siyang account doon.
Sa Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 7, binulaga ng Kapamilya star ang kanyang mga taga suporta ng isang balita sa pamamagitan ng isang video at sinabing siya’y nasa TikTok na.
“Hi everyone, surprise! I’m Julia Montes and I am here sa TikTok. Yes, tama po. I have a TikTok account, @montesjulia08. So follow me for more exclusive and special updates,” pahayag ng aktres sa video.
Kasunod ng anunsyo ay ibinahagi ni Julia ang kauna-unahan niyang video sa nasabing video-sharing app, kung saan makikita siyang giliw na giliw sumayaw sa isang viral dance cover.
Sa maiksing video, mapapanood ang aktres na sumasayaw sa viral song ni Nick Lopez na “Pink Champagne.”
Tinanong din ni Julia ang netizens kung pwede siyang magpaturo sa kanila kung ano ang gagawin niya sa nasabing social media platform.
“Hi Tiktok! First Tiktok ko. I’m excited! Turuan niyo ko?” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang first TikTok video.
Sa comment section ng kanyang TikTok ay tuwang-tuwa ang mga tagahanga at masayang sinalubong ang pagpasok ni Julia sa video-sharing app.