KC

Sharon, dusa sa iringang KC, Kiko at Frankie

September 7, 2023 Ian F. Fariñas 150 views

ShakikoNAAALARMA na ang maraming tao, netizens at taong malalapit sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa diumano’y sigalot na naglalabasan sa kani-kaniyang social media account.

Ayon sa isang source, nahihirapan na si Sharon sa nangyayari lalo pa nga’t dawit ang malalapit sa kanya — sina Kiko at Frankie Pangilinan — na tahimik lang sa sitwasyon nilang mag-ina.

To be fair kay Sharon, nabigyan niya ng magandang edukasyon si KC na nag-aral pa sa ibang bansa. May sarili na rin itong career at buhay ngayon.

Pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng Megastar sa panganay na anak kahit pa nga independent na itong namumuhay.

Kung may kailangan si KC, ibinibigay pa rin ito ni Sharon, lahad pa ng source.

Dagdag pa ang timing ng sigalot sa nalalapit na reunion concert nina Sharon at Gabby, kaya akala ng publiko, eh, gimik ito para umingay ang Dear Heart.

Para sa source, ang isang tulad ni Sharon ay hindi gumagamit ng personal na buhay para sa pansariling interest. If at all, gusto lang daw ni Mega na ipakita ang tunay na damdamin ngayong mas maayos na nga ang samahan nila ng estranged first husband na si Gabby.

Giit ng source, sa bandang huli, ang pagiging ina pa rin ni Sharon ang iiral sa sitwasyong ito.

“First and foremost, mother si Shawie at ang pagmamahal sa pamilya ang kanyang isinaaalang-alang. Handa siyang mawala ang kinang niya bilang megastar ng local showbiz huwag lang masira ang buong pamilya. Pagmamahal sa mga anak ang mananatili sa puso’t isipan ng isang Sharon Cuneta,” diin ng source.

AUTHOR PROFILE