MPD Director Andre P. Dizon Pormal na pinarangalan ni MPD Director Andre P. Dizon (ikalawa sa kaliwa) si Presiding Judge Tammy Ann Cruz Reyes-Mendillo, matapos na maging panauhing pandangal sa selebrasyon ng Women’s Month habang nakamasid naman sina Commissioner Dr. Benjamin Mendillo Jr. ng Komisyon ng Wikang Filipino kasama sina P/Col. Raul Tacaca, (DDDA), P/Col.Julius Cecil Ordoño, (CDDS) at P/Maj. Rommel Reyes Purisima, chief ng DSOU. Kuha ni JON-JON REYES

Judge Reyes-Mendillo bumisita sa MPD para sa Women’s Month

March 7, 2023 Jonjon Reyes 1513 views

NAGING panauhing pandangal si Presiding Judge Tammy Ann Cruz Reyes-Mendillo ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang flag-raising ceremony na isinagawa sa quadrangle ng MPD sa U.N. Avenue Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

Ipinagdiriwang ang “Buwan ng Kababaihan” (Women’s Month) ngayong Marso, kung saan ang unang babae na bisita ng mga kapulisan ng MPD ay si Judge Reyes-Mendillo, na may temang “We for Equality and Inclusive Society,” ng nasabing selebrasyon.

Kabilang naman sa mga naparangal ang ilang mga babaeng pulis-Maynila sa pamumuno ni MPD Director Police Brigadier General Andre P. Dizon at maging ang asawa ni Judge Reyes-Mendillo na si Commissioner Dr. Benjamin Mendadillo ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay naparangalan din ng isang memorabilia.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawang Mendillo sa pagpapahalaga ng MPD lalo na sa mga kababaihan na mga kapulisan at binigyang pugay si Dizon bilang pasasalamat ni Judge Reyes-Mendillo.

AUTHOR PROFILE