Joshua

Joshua torn between Jane and Charlie

December 21, 2021 Joey Aquino 300 views

MUKHANG si Joshua Garcia na ang bagong ultimate leading man ng ABS-CBN Entertainment.

Kaliwa’t kanan kasi ang mga project niya ngayon. Siya ang leading man ni Charlie Dizon sa ‘Viral Scandal.’ He’s playing the character of Kyle Constantino, who owns an architectural firm Balai Arkitektura, in the series. Pero sa kanyang fashion style, mas mukha siyang stylist o designer kaysa architect. Wala naman mali kung ‘yun ang fashion sense ng kanyang character. Pero masyado lang pinaglalaruan ang kanyang looks sa nasabing serye.

Hindi pa man natatapos ang isa, may kasunod na naman siyang big project. Dahil siya ang leading man ni Jane De Leon sa series na Darna. Nagsimula na ang taping nito at isa ito sa mga programa na inaabangan ngayong 2022. Its teaser was shown during the ABS-CBN Christmas Special 2021 last December 18. Marami ang nag-aabang sa muling paglipad ng iconic character ni Mars Ravelo. Sa dami ng pinagdaanan nito, tuloy na tuloy na ang nasabing serye sa direksyon ng award-winning director na si Chito Roño. Kaya mataas ang expectation sa serye pagdating sa quality nito.

Siya raw ang “the next John Lloyd Cruz” dahil sa galing nito sa pag-arte. To be fair, Joshua has the makings of a big star. Ngayon, mukhang hindi na niya kailangan idikit ang pangalan niya kay Lloydie. At ‘di na rin kailangan nang ka-loveteam para lalong sumikat. He’s one of the few actors who can be paired with anyone and still be supported by his fans. Plus factor ang pagiging single niya dahil mas kakikiligan ang relasyon niya sa kanyang leading lady. Sa katunayan, iniintriga siya ngayon kay Charlie pero marami rin ang kinikilig sa tambalang Joshua at Jane. Lalo na sa pagyakap ni Jane sa kanya dahil sa wardrobe malfunction noong Christmas Special. Na marami ang kinilig sa nasabing eksena.

Hindi malayo na ma-in love ang binata sa kanyang leading lady, lalo na’t wala naman tayong nababalitaang karelasyon niya ngayon. Pero parehong tinutukso sa kanya sina Jane at Charlie. So, sino kaya sa dalawa ang for reel at for real sa puso ni Joshua? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE