
Joshua, inamin ang relasyon sa French-Pinay golfer
Sa wakas ay nagsalita na si Joshua Garcia tungkol sa pagkaka-link niya sa French-Filipino golfer na si Emilienne Vigier.
Nakapanayam namin ang aktor sa mediacon ng latest film niyang Fruitcake under Cornerstone Studios and Create Cinema.
Panay kasi ang kantyaw sa kanya ng co-star na si Jane Oineza na luma-lovelife na siya at bukod pa rito, kitang-kita sa aura niya na in-love at happy siya.
Matatandaang nagsimulang ma-link si Joshua kay Emilienne nang mapansin ng netizens ang kanilang mga post na tila magkapareho ng lugar.
Kaya sa interbyuhan after the Q&A ay nilinaw namin kay Joshua kung ano ba talaga ang estado ng kanyang lovelife ngayon.
“About that, okay, para maklaro na lahat and wala na ring maitanong ang lahat, baka sabihin kasi nila, idine-deny ko ‘yung babae, ‘di ba?” simula niya.
Hindi raw niya ide-deny ang rumored girlfriend pero desisyon nila na gawing pribado ang kanilang relasyon.
“Hindi ko siya dine-deny. It’s just that ako and her decided not to share it with everyone kasi ‘yung relationship na ‘yan, eh, kami lang naman ‘yung parte du’n, eh,” he said.
Paliwanag pa ng aktor, “Galing na kasi ako sa iba’t ibang klase ng relationship and everytime na sine-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo, alam mo ‘yun? Nagiging shaky ‘yung relatiohship, eh.”
Kaya ngayon, mas pinahahalagahan na niya ang privacy pagdating sa lovelife pati na rin sa kanyang pamilya.
“Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon, mas okay kung private ka rin na tao” sambit niya.
asked kung gaano na siya katagal na in love, sey ni Joshua, “In love ako every day.”
Ayaw na magbigay ng iba pang detalye ng aktor at sey niya, “like I said, wala akong sasabihing kahit ano and that’s me and her decision. Para peaceful lang din.”
Anyway, nakikita naman sa social media ang mga nangyayari.
“What you see is what you get talaga, ‘di ba? Lalo ngayon, lahat, nasa social media na. Kung ano ‘yung nakikita nila, ‘yun na ‘yun. Hindi mo na kailangang i-elaborate pa ang mga nangyayari,” sabi pa ni Joshua.
Basta inspired siya ngayon?
“Yup, and that’s it, thank you very much,” aniya sabay-tawa.
Samantala, kasama rin sa Fruitcake sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Dominic Ochoa, KD Estrada, Empoy Marquez, Queenay Mercado, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang,
Macoydubs, Red Ollero, Kaila Estrada at Karina Bautista.
Ito’y mula sa direksyon ni Joel Ferrer na siya ring nagsulat ng script kasama si Miko Livelo.