Kylie: Beauty standards sa showbiz imposible
NAGBIGAY ng mensahe ang celebrity mom na si Kylie Padilla tungkol sa beauty standards ng industriyang kinabibilangan niya at sinabing kailangan itong magbago.
Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng aktres na ang beauty standards na mayroon ang entertainment industry ay sinisira lamang ang confidence at mental health ng isang tao.
“I swear this industry is effing everyone up. We’re chasing after unbelievable unreal impossible beauty standards,” sey ni Kylie
Marami raw umanong kababaihan na nakararanas ng body dysmorphia dahil sa kung ano ang nakikita nila sa media. At nais ni Kylie na ipaabot sa mga tao na mayroon silang kagandahan sa kung ano sila sa kasalukuyan.
“If I hear about another woman who suffers from body dysmorphia. I just want to shake these women and tell them they are beautiful the way that they are,” pagpapatuloy ng aktres.
Sey pa ng celebrity mom na makakatulong siyang baguhin ang hindi magandang beauty standards na ito sa pamamagitan ng pagmamahal sa sarili.
“I guess the only way to change the world is to get up and love yourself for whatever shape you are. And cultivate the love frequency, saad ni Kylie.
“It’s like society gets off of knowing we are all torturing ourselves and hate ourselves. Things have to change,” aniya pa.