John Lloyd

John Lloyd pipirma na sa GMA

November 8, 2021 Aster Amoyo 255 views

ALMOST five months ding lumutang ang pagiging Kapuso ng dating prized actor ng ABS-CBN na si John Lloyd Cruz pero sa araw na ito ng Martes, November 9 ay nakatakdang i-anunsyo ng GMA management na kabilang na sa kanilang kuwadra ang award-winning actor at perennial screen partner (sa ABS-CBN) ni Bea Alonzo na nauna nang lumagda ng kanyang network contract with GMA last July 1, 2021.

Dahil dito, posible nang ipagpapatuloy ng dalawa ang kanilang screen team-up sa bakuran ng Kapuso network.

Tulad ng mga naunang balita, nakatakdang magkaroon ng weekly sitcom si JLC (John Lloyd) na pamamahalaan ng singer. actor at dating director ng ABS-CBN na si Edgar `Bobot’ Mortiz. Posible rin silang magtambal muli ni Bea sa isang drama TV series maging sa pelikula just like their good old days sa Kapamilya network.

SharonSharon pasok na sa ‘Ang Probinsyano’

MATAGAL na ring lumulutang ang balitang papasok umano ang megastar na si Sharon Cuneta sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ang big announcement na ito ay itataon din sa araw na ito ng Martes, November 9 na siya ring araw ng paglagda ng bagong Kapuso actor na si John Lloyd Cruz.

Samantala, marami ang nagulat sa laki ng nawalang timbang sa misis ni Sen. Kiko Pangilinan dahil kung dati rati’y XXL na ang kanyang body size, ngayon ay nasa medium size na siya.

Yasmien naging daan sa pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

NATUTUWA ang Kapuso actress at Starstruck alumna na si Yasmien Kurdi sa pagbabalikan ng mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Isa umano si Yasmien sa nagbigay ng payo kay Jennica na kasamahan niya sa seryeng “Las Hermanas” ng GMA. During the lock-in taping, madalas magkuwentuhan sina Yasmien at Jennica at nai-share ng huli sa una ang kanyang naging problema with her husband.

Alam ni Yasmien na lahat ng couple ay dumaranas ng mga problema pero kailangang sabay na mag-effort ang mag-asawa na maayos ito.

Having a nine-year relationship with her husband na si Rey Soldevilla, ang Kapuso actress na mismo ang nagbigay ng payo sa kanyang “Las Hermanas” co-star na matuto itong magpatawad lalupa’t meron silang dalawang anak na parehong babae na sina Athena at Mori.

Sinunod naman ni Jennica ang payo ni Yasmien. Muli niyang binigyan ng pagkakataon ang kanyang mister of 7 years na si Alwyn. Ang mag-asawa ay sikretong nagpakasal nung February 12, 2014 sa Victory church in Greenhills, San Juan.

Si Jennica ay anak ng actors na sina Jean Garcia at Jigo Garcia.

VilmaAte Vi nag-give way kay Sen. Ralph sa pulitika

TATAPUSIN lamang ng Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos-Recto ang kanyang term bilang kinatawan ng Lipa, Batangas at (pansamantala) magpapahinga sa kanyang political career. It is to give way to her husband na si Sen. Ralph Recto na siya namang tatakbo sa pagka-kongresista sa lone district ng Lipa, Batangas.

After the 2022 national and local elections, magkakaroon si Vi ng pagkakataon na balikan ang kanyang showbiz career na pansamantala niyang isinantabi nang pasukin niya ang public service since 1998 na halos 24 years din niyang niyakap.

Si Vi ay tatlong termino or nine years nanilbihang mayor ng Lipa City, three terms as governor ng Batanggas at dalawang term or 6 years bilang kinatawan ng Lipa City.

Samantala, ngayong may asawa na ang kanyang panganay na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola, umaasa ang actress-politician na siya’y mabibigyan na ng apo.

Samantala, ang second son at kaisa-isang anak ni Vi sa mister na si Sen. Ralph na si Ryan Christian ay 25 years old na (turning 26 on March 29 next year) ay inaasahang susunod sa yapak ng kanyang mga magulang and his paternal grandfather and great grandfather sa public service.

Kung gugustuhin ni Ryan, puwede rin siyang mag-showbiz dahil guwapo rin ito tulad ng kanyang Kuya Luis (Manzano).

DonbelleDonBelle fans gumastos para sa LED billboard ng idol around the world

KAKAIBA talaga ang supporters ng DonBelle loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil hindi sila nag-atubiling gumastos para sa LED billboard ng dalawa sa tatlong popular areas in New York City, USA; in Seoul, Korea at maging sa Zurich, Switzerland in cooperation with ABS-CBN last Sunday, November 7.

Touted as the `next big loveteam’ in the Philippines, sina Donny at Belle ay may ginagawa ngayong movie under Star Cinema, ang “Love is Color Blind” na pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Sumikat ang tambalan ng dalawa nang sila’y pagtambalin sa iWant TFC series na “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng part 2.

Si Donny ay anak ng mag-asawang Anthony Pangilinan at actress na si Maricel Laxa-Pangilinan na nagsimula sa kanyang showbiz career in 2016 bilang VJ sa dating Myx Music Channel habang si Belle ay nagsimula as a child star sa dating popular kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Si Donny ay unang ipinareha sa ex-PBB housemate-turned actress na si Kisses Delavin na lumipat naman ng GMA at kamakailan sumali bilang isa sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines.

KrisKris at Mel ‘ginulo’ ang isang fast food restaurant

NAGULAT ang branch officer at service crews ng McDonald’s in Silang, Cavite nang hindi inaasahang pumasok dun over the weekend ang celebrity engaged couple na sina Kris Aquino at former DILG Sec. Mel Sarmiento na nakasuot ng gown at barong dahil galing sa isang wedding On their way home ay sumaglit sila sa nasabing fast food chain.

Ngayong engaged na sina Kris at Mel, inaabangan naman ng publiko kung kelan nila ibabahagi ang kanilang wedding plans.

Dahil sa pagiging pribadong tao ni dating DILG secretary, walang gaanong makuha ang mga taga-entertainment media na may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE