Joaquin

Joaquin tinanggalan ng cellphone sa pamamalengke

June 26, 2024 Jun Nardo 66 views

TINANGGAP ng Sparkle artist na si Joaquin Domagoso ang challenge sa kanyang mabuhay ng isang araw na walang hawak na cellphone.

Ginawa ito ni Joaquin habang may kasamang pamamalengke na paandar ng Sparkle sa YouTube channel nito.

Hirap siyempre si Joaquin lalo na’t lumaki sa panahon na kakambal na ng tao ang phone.

Pero nakakatuwa siya sa ginawang pamamalengke lalo na nga’t never niya itong ginawa sa tanang buhay bilang anak ni Isko Moreno, huh!

Teka, totoo kayang papasukin na si Joaquin ang pulitika sa Manila sa mid-term elections?

PAmBATO nG AKTOR

INENDORSO ng grupong Aktor Ph ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang nominee sa pagiging National Artist.

Ngayong araw na ito nakatakdang gawin ang endorsement sa isang malaking hotel na dadaluhan din ng mga nagnanais maging National Artist si Ate Vi.\

Eh, based on her achievements and accomplishments from in and out of showbiz, wala nang kailangang kuwestiyunin pa, huh!

We just wish na magkaroon ng katuparan ang endorsement na ito kay Ate Vi pati na sa mga nagsusulong ng panukalang ito.

AUTHOR PROFILE