
Joanna unang babaing gaganap bilang The Engineer sa ‘Miss Saigon’
SI Joanna Ampil ang gaganap na bilang the Engineer sa “reimagined” production ng musical na ‘Miss Saigon.’
Si Ampil ang kauna-unahang babae na gaganap bilang Engineer na unang ginampanan ng aktor na si Jonathan Pryce noong 1989.
Gagawin niya ito sa historic The Crucible Theatre in Sheffield, United Kingdom ngayong 2023.
Sa ni-release na first production photos ng reimagined Miss Saigon ng Sheffield Theatres on Facebook, makikita ang first look ni Ampil as the Engineer.
Ni-repost naman ni Ampil ang photos sa kanyang Instagram na may caption na “It’s showtime!”
Ayon kay Joanna: “I am beyond thrilled to be the first woman to play the role of the Engineer in Miss Saigon.
“To have played Kim in different productions countless of times and to have had my first taste of recording with The Complete International Symphonic Recording of the show, it feels like a full circle moment to pave the way for this historical gender-bending casting.
“I hope to champion the Asian perspective and answer some of the racist and misogynistic overtones in this new staging and to execute the role as a woman of strength, sensitivity, grit, complete with flaws and a whole lot of heart.
“In addition to that, it will hopefully open doors to so many of my fellow actors regardless of race, sexual orientation, gender identity, and religious beliefs to color-blind casting, break barriers, and represent.”
Ampil played Kim at the age of 17 in 1993. Bukod sa London’s West End, Ampil also played Kim sa original Australian production, the original UK and Ireland tour, and at the 10th anniversary performance of the musical.
AiAi nagtatrabaho sa isang nursing home sa Amerika
HABANG wala pang bagong proyekto si Ai-Ai delas Alas sa Pilipinas, nagtatrabaho ito bilang activity director sa isang nursing home sa Amerika.
Trabaho ng Comedy Concert Queen ang asikasuhin ang daily activities ng mga seniors na naka-reside sa naturang nursing home.
“’Pag ‘yung everyday na buhay ko, pumapasok ako as activity director. Pero kapag Saturday and Sunday, may mga shows din ako, may mga upcoming shows ako and concerts so ganun ang buhay ko rito. Bilang activity director, ikaw ‘yung mag-iisip dun sa mga residente kung ano ‘yung gagawin nila na magiging masaya sila. Like magbi-bingo sila, tapos meron din mga computer,” sey ni Ai-Ai.
Fulfilling daw kay Ai-Ai ang magtrabaho sa isang nursing home dahil nakakatulong siya sa maraming senior citizens. Naaalala rin daw niya ang mga senior na tinulungan niya rito sa Pilipinas.
Nabanggit din ni Ai-Ai na baka matagalan pa bago siya makauwi ng Pilipinas dahil kasalukuyang nagpapagaling din siya sa kanyang sakit na myokymia, isang unilateral and uncontrollable twitch ng kanyang eyelids na sanhi ng stress. Kabilang daw sa stress na iyon ay ang pagbiyahe niya.
“Pasensiya na, alam n’yo naman ang nangyari sa akin. Hindi na ako nakauwi dahil hindi na kaya ng katawan ko ang sobrang pabalik-balik. Di na kinaya ng katawan ko kasi parang nabugbog na ako sa jetlag at masyadong biyahe. Kasi ‘yung last na biyahe ko, parang medyo hindi maganda ang nangyari. Parang 30 hours akong nagbiyahe,” paliwanag ni Ai-Ai na mapapanood sa pelikulang Litrato.
Ronnie nakatapos na pero nag-aaral muli
NAGPAPATULOY sa kaniyang pagsisikap si Ronnie Liang, na nagbabalik-eskuwelahan para sa kaniyang PhD sa development administration.
“Buhay Estudyante. Continuously embracing the student life as I pursue my Doctor of Philosophy in Development Administration Major in Security Development (Ph.D-D.A),” caption ni Ronnie sa kaniyang Instagram.
Matatandaang noong 2022, nagtapos si Ronnie ng Master’s degree in management major in national security and administration.
Bago nito, nag-aral din siya at nabigyan ng license sa pagkapiloto.