Default Thumbnail

Jessy balik-TV habang abala sa kampanya

March 26, 2025 Aster Amoyo 172 views

LUIS Manzano’s wife, Jessy Mendiola is making a TV comeback sa isang bagong serye, ang “The Sins of the Father” kung saan niya makakasama sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, JC de Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz at Seth Fedelin kasama sina Tirso Cruz III, Joko Diaz, Jerald Napoles, Nico Antonio, LA Santos at iba pa na pamamahalaan ni FM Reyes under JRB Creative Productions.

Ang huling seryeng ginawa ni Jessy ay ang “Sandugo” nung 2019 kung saan naman niya kasama si Vina Morales.

Habang magiging busy na si Luis sa pangangampanya sa Batangas kung saan siya tatakbo sa pagka bise-gobernador, magiging abala rin si Jessy sa taping ng bago niyang serye. But she will definitely find time to campaign for her husband sa mga araw na wala siyang taping. Hahatiin din niya ang kanyang oras sa kanilang more than two-year-old daughter na si Isabella Rose (or Rosie) na mas kilala sa palayaw nitong si Peanut.

Mahigit limang taon din bago bumalik si Jessy sa paggawa ng serye dahil mas binigyan niya ng priority ang kanyang pagkakaroon ng saraling pamilya.

Shaina ipinagpaliban ang biyahe sa Amerika

DAPAT sana’y aalis patungong Amerika for a much-needed vacation ang singer-actress na si Shaina Magdayao pero hindi ito matutuloy dahil dumating ang bago niyang TV series, ang “The Sins of the Father” na pagsasamahan nila nina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, JC de Vera at iba pa.

Priority siyempre sa singer-actress ang trabaho kesa bakasyon na puwede naman niyang gawin kapag hindi na siya busy.

At 35, wala pa ring bagong napupusuan si Shaina na huling na-link sa singer, actor, entrepreneur at Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.

Gerald at Julia kasal na lang ang kulang

MAHIGIT dalawang taon ding hindi gumawa ng serye si Gerald Anderson na ang huling TV series na ginawa ay nung 2022 pa sa pamamagitan ng “A Family Affair” na tinampukan din nina Ivana Alawi, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Excited si Gerald sa bago niyang serye na natitiyak niyang muling tututukan ng mga manonood dahil sa kakaiba nitong kuwento at twist.

Speaking of Gerald, three days apart lamang ang kaarawan nila ng kanyang girlfriend (of almost 6 years), ang actress na si Julia Barretto who turned 28 last March 10 habang si Gerald naman ay 36 nung March 7.

Isang intimate birthday party ang ginanap recently to celebrate Gerald’s 36th birthday na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

At 36, ini-entertain na rin kaya ng actor-entrepreneur ang pagkakaroon ng sarili nitong pamilya? At kung saka-sakali, ready naman kaya si Julia?

Anthony magkakaroon ng international movie

EXCITED na ang 24-year-old Kapamilya actor na si Anthony Jennings sa kanyang kauna-unahang international film na pinamagatang “Mother Maybe” na pamamahalaan ni Sonny Calvento and will be produced by Rod Condez.

Although sa last quarter of the year pa sisimulan ang shooting ng movie, ngayon pa lamang ay excited na ang young actor na simulan ang pelikula

Si Anthony ay regular na napapanood ngayon ng hit primetime TV, ang action-drama series na “Incognito” na pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla at Ian Veneracion at kung saan din tampok sina Maris Racal, Kaila Estrada at Baron Geisler.

Nag-number one din sa Netflix ang unang tambalan nila sa pelikula ni Maris, ang “Sosyal Climbers” na sinulat at pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana.

Sa kabila ng matinding pinagdaanang kontrobersiya nina Anthony at Maris, mukhang nalagpasan na ito ng dalawa.

Chloe masuwerte kay Carlos

KASAL na lamang ang kulang sa magkasintahang Carlos Yulo at Choe San Jose. Kapag ito’y nangyari ay sobrang napakasuwerte ng girlfriend ng double-gold Olympics medalist dahil bukod sa multi-millonaire ang gymnast, meron din itong brand new car, a condominium unit at isang malaking bahay in Tagaytay.

Habang maganda ang relasyon ni Carlos sa kanyang girlfriend, hindi pa rin nito inaayos ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang parents.

Coco nalungkot sa pagbebenta ng ABS-CBN sa Ayalaland

NALUNGKOT ang actor-director at producer na si Coco Martin nang mabalitaan niyang malapit nang i-knock down ang Dolphy Theater ng ABS-CBN gayundin ang iconic tower transmitter ng Kapamilya channel dahil kasama ang mga ito sa property ng ABS-CBN na nabili na ng Ayaland Land Corporation.

Maraming alaala ang Dolphy Theater na ipinangalan sa hari ng komedya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE