
JENNICA NANGATOG KAY DIREK CATHY
Aminado si Jennica Garcia na matinding kaba at pressure ang naramdaman niya nang malamang makakasama siya sa pelikulang “Hello, Love, Again” nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.
Sey nga ng aktres sa ginanap na mediacon recently, may isa pa siyang project na ginagawa noong i-offer sa kanya ang “HLA” kaya kapag tinanggap niya ito ay siguradong wala na siyang oras na magpahinga.
Pero hindi niya pwedeng palampasin ang pelikula dahil unang-una, first time niyang makakatrabaho ang KathDen gayundin ang direktor na si Cathy Garcia-Sampana.
“Inisip ko, bawal kang ‘sabaw’ kasi Direk Cathy ‘to. Parang sobrang blessing na napasama ka pa diyan,” sey ng anak ni Jean Garcia.
Ikinuwento rin ni Jennica na hiyang-hiya siya sa unang pagkikita nila ni Direk Cathy at parang gusto na niyang umuwi sa Pilipinas.
“Ang unang linya sa akin ni Direk Cathy, ‘Anak pasensiya ka na hindi kasi kita kilala,’” natatawang kwento ng aktres.
Ang nasa isip daw niya noong sandaling iyon ay “uuwi na ‘ko sa Pilipinas! Paano matanggal ‘yung hiya ko nito?”
Pero siyempre, hindi niya ‘yun ginawa at pinilit niyang alisin ang kaba at hiya.
Habang tumatagal ay naging kumportable na rin naman siya at naka-adjust sa estilo ni Direk Cathy.
“‘Yung presence of mind mo dapat talaga nandoon kasi mabilis. Kapag may ibinigay na instruction, makinig ka talaga.”
Kaagad namang nilinaw ni direk ang sinabi niyang hindi niya kilala si Jennica.
“Gusto ko lang i-qualify ‘yung hindi kita kilala. What I meant was hindi ko kilala ang acting capabilities mo. I don’t know kung funny ba siya, dramatic actress, can she do comedy. So I really have no idea.
“So I was wacthing her. At that time, hindi ko pa alam, hindi ko pa alam ang gagawin ko sa kanya. We developed the character as we went along ‘cause I don’t know how much she can do it,” paliwanag ni Direk Cathy.
Showing na sa mga sinehan nationwide ang reunion movie nina Kathryn at Alden simula November 13.