
Jenn Rosa walang mintis ang kinis
HINDI talaga papaawat pagdating sa pambubulabog ng social media ang Vivamax actress na si Jenn Rosa, dahil ang kanyang kaseksihan, muli niyang ibinalandra.
Panalong-panalo ang mga kalahi ni Adan sa makinis na katawan na kanilang nasilayan sa latest Instagram post ng sexy star.
Sa umpisa ng video na kanyang ibinahagi ay malabo pa ang maaaninag, pero kalaunan ay tiyak na nanlaki ang mga mata ng netizens, dahil malinaw na malinaw ang ginawang patakam ni Jenn sa harap ng camera.
“Baby I’m yours and i’ll be yours until the stars fall from the sky,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Nakasandal ang bebot sa pader habang lantad ang makinis niyang balat sa suot na two-piece laced lingerie, na pinaresan pa ng sea through long socks na siyang nakapagdagdag sa kaseksihang imahe na ibinabato ng hot actress sa manonood.
Sadya ang pagkakalikot ni Jenn sa makulit na mundo ng pantasya ng mga barako dahil ibang level ang tila pang-aakit niya sa nasabing post.
Nakaupo man ang Vivamax actress, tayong-tayo naman ang libido ng mga kalalakihan niyang tagahanga sa comment section.
Nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).