Default Thumbnail

Jeep vs Elf: 8 sugatan

October 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 200 views

WALO ang nasugatan nang magsalpukan ang Isuzu Elf at pampasaherong jeep sa Bgry. North Fairview, Quezon City Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasugatan, na pawang pasahero ng jeep, na sina Carlos Miguel Lagmay Chan, Princess Eman Norono; Lily Mangandire; Analyn Eboses; Yushre Macandiri, 3-anyos, at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang 9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Avenue sa kanto ng Namapa Compound sa Bgry. North Fairview, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSMS Hebry Tingle ng Traffic Sector 5, binabaybay ng jeep (TBS 865) na minamaneho ni Melchor Padua at ng Isuzu Elf (UVY 752) na minamaneho ni Eduard Dignadice Andiano ang Commonwealth Avenue galing Fairview papunta sa Elliptical Road sa Bgry. North Fairview.

Pagsapit sa nasabing lugar, doon na nagsalpukan ang jeep ng Isuzu Elf. Dahil sa lakas ng impact, parehong sugatan ang driver ng jeep at Elf at ang anim na pasahero ng jeep.

Dinala ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.