Default Thumbnail

3 sugarol timbog sa Maynila

October 1, 2023 Jonjon Reyes 175 views

TATLONG nagsusugal ang nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District- Sta. Ana Police Station 6 habang ganadong-ganado mag cara’y cruz noong Biyernes sa Dagonoy St., Barangay 774, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang mga natimbog na sina alyas Alemar, 40, at Jayson, 35. Mas mabigat naman ang kaso ni alyas Michael, 48, ng Lamayan Street, Sta. Ana dahil nahulihan siya ng patalim habang nagsusugal.

Base sa ulat ni Lowie Dela Cruz, bandang 10:20 ng gabi habang nagsasagawa ng Simultaneos Anti- Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO) ang mga pulis mamataan ang mga nag-uumpukang lalaki sa naturang lugar.

Nagpulasan ang mga tao pero na-korner ang tatlo nang dumating ang mga pulis.

Nang nakapkapan doon na nadiskubre ang fan knife sa baywang si Michael.

AUTHOR PROFILE