Janno

Janno ipinaliwanag kung bakit itinuloy ang Japan trip sa kabila ng pagkamatay ni Ronaldo

January 17, 2024 Aster Amoyo 450 views

AnjoKUNG buhay pa ang ama ng singer, actor-comedian-turned director na si Janno Gibbs, ang namayapang veteran actor na si Ronaldo Valdez, tiyak na magiging vocal ito sa pagiging proud sa kanyang panganay na anak. Ito ay dahil natupad na ang pangarap ni Janno na maging isang film director.

Directorial debut ni Janno ang pelikulang pinagbibidahan nila ng dating child star na si Xia Vigor, ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” under Viva Films kung saan din tampok sina Louise de los Reyes, Anjo Yllana, Juliana Poriscova Segovia at iba pa at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa darating na January 24, 2024.

Kasama rin sa “Itutumba Ka ng Tatay Ko” ang yumaong ama ni Janno na si Ronaldo. Ito bale ang kahuli-hulihang pelikulang ginawa ng veteran actor na pinamahalaan pa ng kanyang anak na si Janno.

Si Ronaldo ay sumakabilang-buhay nung December 17, 2023. Bago pa man lumisan ang veteran actor ay naka-schedule na umano ang planned trip ng kanyang pamilya sa Japan nung December 20, 2023 at meron na rin silang nabiling tickets kaya itinuloy nila para maibsan ang kanilang kalungkutan sa pagkawala ng kanilang padre de familia. Pero naging iba ang interpretasyon ng ibang netizens at sila’y inakusahan na nagbubunyi sa pagkawala ng veteran actor.

Ayon kay Janno, hanggang ngayon ay pino-process umano ng kanilang pamilya ang biglang pagkawala ng kanyang ama na kanyang kinu-consider as his best friend and mentor.

Bilang panganay sa dalawang anak ng namayapang actor at naiwang misis nitong si Maria Fe `Baby’ Ilagan- Gibbs na ang younger sister niyang si Melissa Gibbs-Pabalan ay may sarili na ring pamilya, si Janno ngayon ang umako sa responsibilidad na iniwan ng ama.

Janno and his wife, actress Bing Loyzaga have two grown-up daughters na sina Alyssa at Gabby. Ang una ay may asawa na sa kanyang non-showbiz husband na si Anton Cruz at sila’y ikinasal in Australia nung November 2022.

During the presscon ng “Itutumba Ka ng Tatay Ko,” kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Janno na aminadong talagang ininda niya ang maagang pagkawala ng ama.

Anjo at Jomari nagkabati na, ina naluha sa tuwa

Anjo2Anjo1ISA sa mga close friends ni Janno Gibbs ay ang actor-comedian at dating host na si Anjo Yllana na kasama sa cast ng soon-to-be released comedy film na “Itutumba Ka ng Tatay Ko”.

Tulad ng namayapang ama ni Janno na si Ronaldo Valdez, very proud din si Anjo sa kanyang kaibigan na isa na ngayong film director.

Binalak din ito gawin noon ng nakatatandang kapatid ni Jomari Yllana para sa isang sitcom ng GMA pero hindi umano ito nagtuluy-tuloy. Sa ngayon ay masaya na umano siya sa kanyang trabaho bilang actor-comedian at bilang host.

After the presscon, nakausap si Anjo ng ilang entertainment press at siya’y tinanong kung kumusta na ang relasyon nila ng kanyang younger brother, ang actor-politician na si Jomari Yllana.

Hindi ikinakaila ni Anjo na nagkaroon umano sila ng tampuhan ng kanyang nakababatang kapatid na umabot ng halos dalawang taon. Pero habang hindi nagkakaayos ang dalawa ay tahimik na nasasaktan ang kanilang ina sa nangyayari sa kanilang magkapatid.

During their mom’s (Vicky Garchitorena-Yllana) recent 77th birthday celebration ay kumpleto ang magkakapatid na Yllna na pinangunahan mismo ni Anjo na siyang panganay. Dumating din si Jomari kasama ang wife nito ngayon na si Abby Viduya. Although nagkakailangan pa, nag-shake hands sina Anjo at Jomari bagay na ikinaluha ng kanilang ina dahil sa tuwa. Binati rin ni Anjo ang kanyang bagong sister-in-law na si Abby.

Ayon kay Anjo, wala na umanong paliwanagan sa kanilang pagitan ni Jomari basta nagkabati na lang ang dalawa.

The 55-year-old actor ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-wife, ang flight stewardess at dating actress na si Jacqui Manzano with whom he has four children na sina Mikaela, Jaime, Nathan at Andee.

Kris at VG Mark smooth-sailing ulit

KrisSANAY na ang mga sumusubaybay sa bati-galit na relasyon nina Kris Aquino at Mark Leviste. Muli na naman kasing smooth-sailing ang dalawa dahil magkasama sina Kris at Mark and their respective children during the Christmas holidays at celebration nila ng New Year.

Marami ang nakakapansin na each time umuuwi ng Pilipinas si Mark para gampanan ang kanyang tungkulin bilang vice-governor ng Batangas ay nakikipag-break sa kanya ang dating Presidential daughter and sister at tinaguriang Queen of All Media na si Kris.

Sa Amerika nag-celebrate si Mark ng kanyang 46th birthday na nataon sa araw mismo ng Pasko.

Dapat sana’y pabalik na ng Pilipinas si Mark nung January 3, 2024 pero ito’y na-extend dahil hinintay pa niya ang bloodwork test result ni Kris.

Marami ang humahanga sa young policitian sa pagiging matiyaga at maasikaso nito kay Kris when he’s in L.A. Constant din ang communication ng dalawa ngayong nasa Pilipinas si Mark.

Nasa L.A. pa si Mark nang dumalaw kay Kris ang magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla na lumipad ng Amerika for the intimate wedding ng kanilang common friend na si Angelica Panganiban at husband na nito ngayong si Gregg Homan. Second time na rin bale ni Kim na dumalaw sa kanyang Ate Kris na ang una ay nung nakaraang October 2023 lamang.

Bukod kina Kim at Bela, nakadalaw na rin kay Kris sa America ang King of Talk na si Boy Abunda maging ang singer-actres na si Angeline Quinto kasama ang kanyang fiancé na si Nonrev Daquina at anak nilang si Sylvio.

Although wala pang kasiguraduhan ang pag-uwi sa Pilipinas ni Kris,patuloy na nananalangin ang mga supporters ni Kris sa tuluyan nitong paggaling sa kanyang auto-immune system disease nang mabalik na rin sa normal ang kanyang buhay pati na ang kanyang career.

Maegan umaasang tutulungan ni Coco

MeaganMATULOY kaya ang guesting ng singer-songwriter and occasional actress na si Maegan Aguilar sa “FPJ’s Batang Quiapo,” action drama series ni Coco Martin?

Hindi ikinakaila ng daughter ng “Anak” music icon na si Freddie Aguilar na excited umano siya kung matutuloy ang kanyang pagiging bahagi ng top-rating and long-running action drama series ni Coco na siya ring creative director, co-director at co-producer ng serye.

Kilala si Coco sa pagtulong sa maraming kasamahan na walang trabaho laluna yung nalihis ng landas.

Si Coco ang unang sumalo sa actor na si Julio Diaz nang ito’y makalaya na may kinalaman sa droga.

Bukod kay Julio, marami pang ibang actor ang tinutulungan ni Coco na walang trabaho.

Juliana pinatigil na ang ina bilang OFW

JulianaJuliana1MALAYO na ang narating ng kauna-unahang grand winner ng Miss Q&A segment ng noontime program na “It’s Showtime” na si Juliana Porizcova Segovia magmula itong manalo nung June 30, 2018, mahigit limang taon na rin ang nakakaraan.

Si Juliana ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus.

Dahil sa sunud-sunod niyang movie and TV projects sa bakuran ng Viva at kasama na rito ang kanyang paghu-host sa iba’t ibang events, nakabili na siya ng sarili niyang condo unit at meron na rin umanong decent na tirahan ang kanyang ina na pinatigil na umano niya sa pagta-trabaho sa ibang bansa.

Si Juliana ay kasama sa cast ng upcoming movie ng Viva Films, ang comedy flick na “Itutumba Ka ng Tatay Ko” na pinagbibidahan nina Janno Gibbs at dating child star ang Fil-British na si Xia Vigor.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE