
Jamie gumawa ng kanta para kay Regine
DUBBED `Inspirational Diva,’ singer-songwriter, hitmaker, record producer and OPM icon Jamie Rivera wrote a song for top singer-performer and TV host Regine Velasquez-Alcasid about mothers.
Since nalalapit na ang Mother’s Day celebration on May 11, Jamie was inspired to write a song with the Asia’s Songbird in mind to sing and record the song since she’s also a mother herself.
Pinamagatang “Lahat ay Kaya Kong Gawin,” Jamie will release the song sung by Regine under Rivera’s label Inspired Music sa ilalim ng ABS-CBN Music in time for Mother’s Day celebration.
Matapos tanghaling champion ng Yamaha Music Mate during the `80s, she was signed up by OctoArts International where she recorded a couple of albums and hit singles. Her debut album entitled “Hey, It’s Me” also carries her signature hit of the same title na sinundan ng “I’ve Fallen for You,” “Totoo Ba?,” “Pangarap Ka Na Lang Ba? (Mahal Naman Kita),” “Paniwalaan Mo,” “Sige Na Naman (Crush Din Kita)” at iba pa.
Her recording contract with OctoArts was stalled when she was chosen to portray Lea Salonga’s original role as Kim in the hit musical play “Miss Saigon” at the Theatre Royal Drury Lane in the West End, London.
Nang matapos ang kanyang kontrata with “Saigon” in London, bumalik ng Pilipinas si Jamie at kanyang ipinagpatuloy ang pagkanta, pagku-compose at recording but this time focusing on inspirational songs for which she’s known for.
Some of the inspirational songs na identified kay Jamie include “Jubilee Song,” “We Are All God’s Children,” “Our Dearest Pope,” “Heal Our Land,” “Inang Maria,” “O Hesus, Hilumin Mo” at iba pa.
Jamie is married to businessman Rey Mendoza with whom she has a daughter, Reine na nag-aral ng kolehiyo at the University of Notre Dame in Indiana, USA.
Ara humingi ng sign
INAMIN ng singer-actress na si Ara Mina na humingi umano siya ng sign sa Itaas kung kanyang itutuloy ang pagpasok sa public service na agad naman umanong tinugon nang makilala niya ang Pasig mayoralty candidate, ang successful businesswoman and philanthropist na si Sarah Discaya sa isang charity mission na pinangunahan ng St. Gerrard Foundation na pinamumunuan mismo ni Ginang Discaya.
“Meron kasi kaming goal ni Ate Sarah, ang makatulong sa mga taong nangangailangan,” ani Ara nang ito’y humarap sa entertainment media at vloggers kasama si Ate Sarah na ginanap mismo sa napakalawak ng mala-ballroom na bahagi ng multi-level building na pag-aari mismo ng pamilya Discaya na ang main line ay may kinalaman sa construction and development business.
Kung si Sarah Discaya ay tumatakbo sa pagka-mayor ng Pasig at makakatunggali ang nakaupong mayor na si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, si Ara naman ay kandidato sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig, na siyang original roots ng kanyang ina, ang dating actress na si Venus Imperial.
Cristine mahahati ang oras
SPEAKING of Ara Mina, tiyak na hati ang attention ngayon ng Viva star na si Cristine Reyes, ang nakababatang kapatid ni Ara dahil kandidato rin ang kanyang nobyo at kasamahan sa Viva na si Marco Gumabao.
Si Marco ay tumatakbo sa pagiging kinatawan ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur kung saan siya suportado ni Cristine na madalas niyang kasama ngayon. Pero kailangan din si Cristine ng kanyang Ate Ara na tumatakbo naman sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig.
Paano kaya hahatiin ngayon ni Cristine ang kanyang oras sa pagitan ng kanyang nobyong si Marco (na nasa Camarines Sur) at sa kanyang Ate Ara na kandidato naman sa pagiging councilor ng Pasig?
Dolphy Theater mawawala na
TIYAK na magiging malungkot ang mga anak, mga kaanak, mga kaibigan at malalapit sa yumaong `comedy king’ na si Dolphy (Rodolfo Vera Quizon) dahil makakasama ang iconic na Dolphy Theatre sa bubuwagin ng Ayala Land, Inc. na siyang nakabili ng bahagi ng old ABS-CBN Bldg. na matatagpuan sa panulukan ng Mother Ignacia St., Sct. Esguerra (formerly Bohol Avenue) at Eugenio Lopez Drive. Makakasama rin sa bubuwagin ay ang iconic ABS-CBN tower transmitter na isa na sa mga old landmark ng Quezon City.
Masakit man sa kalooban ng mga Lopezes ang pag-let go sa property na itinatag may ilang dekada na rin ang nakakaraan, wala silang choice kundi ang maibenta ito to keep the compay afloat. Ito’y resulta ng pag-deny ng mga kongresista ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2025 dahil sa sobrang galit sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humaharap ngayon ng matinding kaso sa harap ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Libu-libong mga executives, officers and employees ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkawala ng franchise ng ABS-CBN. Ito’y bukod pa sa mga production people na nawalan din ng regular na pagkakakitaan tulad ng mga writers, directors, production people, mga contract talents, sub-contractors, suppliers at iba pa.
Hindi man tuluyan ang pagsasara ng ABS-CBN, they focused on their various digital platforms at kolaborasyon sa iba’t ibang TV networks tulad ng GMA, TV5, Channel 11 at maging ang ALLTV ng mga Villar (na siyang nakakuha ng prangkisa ng ABS-CBN) at iba pa.
Nabibilang na lamang ang panahon na makikita at nakatayo ang old ABS-CBN Tower at Dolphy Theatre maging ang ang iba’t ibang studio ng Kapamilya old building at kasama na ito ang dati nilang AM (DZMM) and MOR FM radio stations at ang mga ito ay magiging bahagi na lamang ng kasaysayan sa larangan ng radio-TV industry.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.